The Countdown continues
DERETSO BALITA vs 14 city public officials ng
Pananaw ni Dodie C. Banzuela (
Unang taon pa ‘lang ni Amante sa puwesto’y humirit na agad ng pangungurakot?
14 na city public official ng
Ang nasabing 14 ay sina City Mayor Vicente B. Amante, City Vice Mayor Lauro G. Vidal; City Councilors Katherine C. Agapay, Alejandro Y. Yu, Diosdado A. Biglete, Leopoldo M. Colago, Rodelo U. Laroza, Richard C. Pavico, Edgardo D. Adajar, Joseph Ciolo; City Assesor Celerino C. Barcenas; City Treasurer Angelita M. Belen; City Planning & Development Officer Rolando S. Bombio; and OIC City Engineer Jesus P. De Leon.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso sa mga nabanggit na public officials sanhi ng agarang pagbili ng siyudad sa isang untitled 3.05 ektaryang lupa sa may Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo (DLSP) sa Brgy. San Jose na nagkahalaga ng may 25.6 milyong piso o pumapatak na 840 pesos per square meter.
Pangunahing dahilan ni Mayor Amante ay “pagtatayuan ng sports complex at oval” ang nasabing lugar. Hindi sports complex at oval ang ipinangako ni Mayor Amante noong panahon ng Halalan 2004, manapa’y ipinagbanduhan niya na “bibili ang siyudad ng kahit isang school bus na siyang maghahatid ng libre sa mga mag-aaral ng DLSP.”
Pag-aari diumano ng isang Belicita B. Ng ng Brgy. Canlubang,
Tanging Oja lamang ang pinanghahawakang dokumento ni Belicita Ng na may talang: “PIN No. 130-07-058-01-065-A; ARP No. 2003-058-2405”.
Nakasaad sa Section 3(g) ng RA 3019 ang mga sumusunod: “Entering, on behalf of the government, into any contract or transaction manifestly and grossly disadvantageous to the same, whether or not the public officer profited or will profit thereby.”
Super bilis na inaprubahan sa Konseho
Sa regular session ng Sangguniang Panglunsod noong December 7, 2004 agad inaprubahan ng Konseho ang isang resolution hinggil sa “1st Indorsement (sic) of City Mayor Vicente B. Amante” na may petsang December 2, 2004 na hiniling na maaprubahan ang “authority to enter into a contract concerning the Deed of Absolute Sell (sic)” sa pagitan nga nina Belicita Ng at Ramon Preza at Amante. Si Konsehal Katherine Agapay ang siyang nag-sponsor ng nasabing resolution sa kabila ng mahigpit na pagtutol nina Konsehal Maria Evita R. Arago, Frederick Martin A. Ilagan, at Angelo L. Adriano.
Hiling nina Konsehal Arago, Ilagan at Adriano na pag-aralan munang mabuti ang nasabing kahilingan ni Amante. Nangako naman si Agapay na “ibababa iyon sa committee level para sa isang public hearing.”
Walang naganap na anumang public hearing batay na rin sa ibinigay na verbal confirmation ni Gng. Lenie Capuno, acting secretary to the Sangguniang Panglunsod.
Sa kabila ng mainit pa ring pagtutol nina Konsehal Arago, Ilagan at Adriano, sa botong 8-3 ay ganap na naaprubahan ng Konseho sa regular session ng mga ito ng December 14, 2004 ang nasabing pagbili nga sa walang titulong 3.05 ektaryang lupa sa may Brgy.
Batay sa nakalap na mga dokumento ng DERETSO sa Bureau of Internal Revenue na nasa Lunsod ng San Pablo, mismong December 7, 2004 ang petsa ng pagkaka-notaryo, taliwas naman sa nakahatag na kontrata sa Sanggunian na wala pang mga kaukulang lagda ang magkabilang panig sapagkat pinaaaprubahan pa lamang ito. Samakatuwid pa, posibleng kahit na nga hindi pa ganap na naaaprubahan sa Konseho ang nasabing kontrata’y nabayaran na ng city government sina Belecita Ng at Ramon Preza.
Sa isinagawang sariling imbestigasyon ng DERETSO, walang nakatirang Belicita Ng sa nakalagay na address nito sa
Nakasama sa habla sina city assessor Barcenas, city treasurer Belen, OIC city engineer De Leon, at city planning Bombio dahil sila ang komitibang nag-apruba noong December 6, 2004 na 840 pesos per square meter nga ang halaga ng nasabing walang titulong 3.05 ektaryang lupa.
Sino si Ramon Preza?
Isang mayamang negosyante si Ramon Preza na siya diumanong “naka-ilit” ng ilang real property ni Amante sa Tiaong, Quezon at diumano pa’y may malaki pa ring pagkakautang dito si Amante. Kaya nga’t upang makatiyak na makakabayad si Amante, mismong si Preza ang tumayong vendor ng nasabing lupa at posibleng siya rin ang “kumuha” sa isang Belecita Ng, na sa pagiimbestiga nga ng DERETSO ay walang ganoong tao sa Calamba City.
Ilang ulit at pormal pang inilathala ng DERETSO ang isang open letter patungkol kina city assessor Barcenas upang makuha ang mga kaukulang dokumento hinggil nga sa walang titulong 3.05 ektaryang lupa. May impormasyon kasing ipinaabot sa DERETSO na “nabili” naman ni Belecita Ng ang nasabing lupa kay Abdon Andal.
Si Abdon Andal ang kasama ni Amante ngayon na nakahabla sa Sandiganbayan sanhi naman ng usapin sa San Pablo City Public Market and Shopping Mall. “Dummy ni Amante si Andal,” ayon sa pagsusuri ng Ombudsman.
Fair market value ng BIR
Sa ibinigay na fair market value ng BIR, halagang 100 pesos per square meter ang agricultural land sa “interior” ng Brgy.
Nilinaw ng mga taga-BIR na “matagal na” ang nasabing batayan ng fair market value sa lunsod at hindi diumano iyon makakaapekto sa halagang napagkasunduan ng bumibili at nagbibili.
Ipinagmalaki pa ni Amante na batay sa zoning ordinance ng lunsod, klasipikado ng “industrial site” ang Brgy.
“Mura pa nga ang 840 pesos per square meter sa lugar na iyon, kaya’t kung may mas mumura pa doon ay sabihin agad sa akin at bibilhin ko,” humigit kumulang pahayag ni Amante sa media.
Kung matagal nang deklaradong industrial site ang nasabing lugar, bakit hanggng ngayo’y walang kaukulang konkretong
Baka nga sa city government pa ang lupang iyon?
Naging “industrial zone” ang Brgy.
May malawak ding lupain sa nasabing barangay si Amante na “imbakan” naman niya ng mga manok na sasabungin.
Bago itayo ang dalawang nasabing kompanya sa panahon ng unang siyam na taong pagiging mayor ni Amante, isa ng open secret sa lunsod na nakapamili ito ng ekta-ektaryang lupain doon, kabilang na nga ang kanyang farm doon.
Diumano pa, si Amante ang siyang unang bumili (sa iba’t ibang may-ari nito sa murang halaga) ng lupang tinatayuan ngayon ng Hidden Spring Mineral Water at Pharmawealth at tsaka naman niya ipinagbili sa mga iyon sa mataas na halaga.
Mahigit diumanong sampung ektarya ang kabuuang sukat ng DLSP na binili ng city government, na iyon naman ay nasa dalawang magkakahiwalay na Oja.
Sa kasalukuyan, hindi ganap na nagagamit ng DLSP ang nasabing mahigit sa sampung ektarya. Kaya’t posibleng ang sinasabing untitled 3.05 ektarya (na binili nga noong December 2004) ay pag-aari pa rin ng city government. Nangangahulugang “nakadoble” ng pagbabayad sa nasabing lupa? At nangangahulugan pa ring dahil sina Amante, city assessor Barcenas at city treasurer Belen ang nakakaalam lamang sa transaksyon kaya’t
Hanggang sa sinusulat ang artikulong ito’y hindi pinapansin nina Barcenas, Belen, De
Pati calamity fund, inupakan din nina Amante
Noon ding bago magtapos ang 2004, inaprubahan din ng Konseho ang may 400 libng piso mula sa calamity fund, sa kabila ng mariin pa ring pagtutol nina Arago, Ilagan at Adriano.
Kasagsagan kasi noon ng bagyo sa Katimugang Tagalog at nagdeklara ang National Disaster Coordinating Center (NDCC) na “kasama ang Laguna” sa tinamaan ng kalamidad.
Subalit nilinaw ng NDCC na tanging ang bayan ng Paete, Laguna lamang ang kasama sa calamity areas.
Inamin ni Konsehal Alejandro Yu na “ipinambili ng bigas” ang nasabing halaga noon ngang buwan ng Disyembre 2004 at “ipinamigay iyon sa mga mahihirap.”
Sa verbal verification naman na ipinarating sa DERETSO ng tanggapan ng city social welfare and development ay wala silang alam na namigay ang kanilang tanggapan ng mga bigas sa mahihirap noon ngang December 2004. Kasama kasi sa city disaster council ang mga taga-Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Andyan lamang sa paligid ng kapitolyo ang mga biniling bigas kung gusto ninyong makita,” paghahambog na pahayag pa ni Konsehal Edgardo Adajar. Wala ni isang butil ng bigas na nakita ang DERETSO nang kami’y maghanap noon sa paligid ng kapitolyo.
“Totoo ngang namigay sila ng bigas noong December 2004, subalit ibinigay iyon sa kani-kanilang kakampi,” ayon sa source ng DERETSO.
Hanggang sa sinusulat ang artikulong ito’y wala pa ring linaw kung bukod sa kani-kanilang kakampi’y sinu-sino pa ang nabiyayaan ng halos 400 libong pisong calamity fund noong kapaskuhan ng 2004.
20M+ pesos naman ang hinihirit bago magtapos ang 2005
Kasong “criminal and administrative case” ang naging banta kay Amante noon pang July 2005 mula kay Dr. Casamiro A. Ynares III, general manager ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) at executive director ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) kapag hindi ganap na sinarhan ng siyudad sa February 2006 ang kasalukuyang dumpsite sa Sito Balok, Brgy. Sto. Niño.
Sa kabila nito at sa mariin ding pagtutol nina Konsehal Arago, Ilagan at Adriano, muling naaprubahan ng Konseho ang kahilingan ni Amante na mabili ng siyudad sa halagang mahigit 20 milyong piso ang kasalukuyang dumpsite ng lunsod na pag-aari naman ng magkapatid na Lilim at Lilibel Cabrera. Si Konsehal Diosdado Biglete, chairman ng solid waste management sa Konseho ang mainit nitong nagsulong sa Konseho.
Hindi pa titulado at tanging mga Oja lamang ang pinanghahawakang dokumento ng magkapatid na Cabrera.
May kabuuang 30,543 square meters ang kay Lilibel na may talang PIN No. 130-03-070-01-0103 at ARP No. 94-070-0014. Babayaran ito ng city government ng PhP 10,079,190.00 o halagang 330 pesos per square meter.
May kabuuan namang 31,000 sq.m. ang pag-aari ni Lilim na nakatala sa tatlong “tax declaration”: ARP No. 94-055-753, na may sukat na 6,000 sq.m. sa bahagi ng Brgy. San Ignacio. 15,000 sq.m. ang pangalawa na may talang PIN No. 130-03-070-01-007-0106 at ARP. No. 94-070-0017 na sakop ng Brgy. Sto. Niño; at ang pangatlo’y may sukat na 10,000 sq.m. na nasa Brgy. Sto. Niño din. Babayaran ito ng city government ng PhP 10,230,000.00 o 330 pesos din per sq.m.
Batay sa Contract to Sell, magbibigay ng paunang bayad ang city government ng tig-iisang milyong piso kina Lilim at Lilibel matapos namang maretipikahan ng Konseho ang nasabing kontrata. At ang natitira’y babayaran ng siyudad sa buwan ng January at May 2006 ng tig-PhP 4,539,595, para kay Lilibel at tig-PhP 4,615,000 naman sa January at May 2006 din ang para naman kay Lilim.
Taliwas naman ang kautusang iyon ni Ynares sa isinagawang pag-aaral ng technical working group ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na nagsasabing:
“With sound additions of engineering and environmental measures, the present open dumpsite of
Ang MGB technical working group ay kinabibilangan nina Ricarte S. Javelosa, PhD.; Alejandro M. Montero, Jr.; Lutgardo S. Laraño; Dulcisimo S. Domingo; at Fely Boston.
Sa September 5, 2005 na sulat ni Ynares kay Amante, nilinaw nito na:
“The recommendations stated in the previous letter were for an alternative site specifically for the operations of a sanitary landfill (SLF) as the deadline of operating a controlled disposal facility is fast approaching (February 2006). In view of this, under the Memorandum of Agreement with the Mines and Geosciences Bureau (MGB) stated that the alternative site for SLF was already assessed and located in
“Be assured that strict monitoring will be implemented to assure that you comply with all of the recommendations stated by the MGB in rehabilitating/converting the current disposal site into a controlled disposal facility.”
Nauna rito, sa isang committee hearing ni Biglete, mariin nitong itinanggi kay Ilagan ang hinggil nga sa nasabing sulat ni Ynares. “Baka gawagawaan mo ‘lang ‘yan,” humigit kumulang panunudya pa ni Biglete kay Ilagan. Subalit nang ipakita ni Ilagan kay Biglete ang nasabing sulat ni Ynares na may sulat kamay na “Diosdado A. Biglete, City Councilor” at may lagda ito sa ibabaw ng nasabing pangalan at may kaukulang petsa pa na “9-5-05” sa ibaba ng kaliwang bahagi ng nasabing sulat, hindi na nakatanggi si Biglete.
Bakit nga ba DERETSO pa ang naghabla?
Media should be fair, balance, accurate and objective in reporting events and covering the news. Ito ang isa sa standard na panuntunan ng media batay sa sinusunod nitong media ethics.
Subalit hindi dapat kalimutan ng media na bahagi din siya ng lipunang kanyang ginagalawan. Sa dinaranas na kasaganaan at kahirapan ng lipunan ay kasama din niyang nararamdaman iyon.
Sa bahagi ng DERETSO, hindi kaila na nanindigan kami sa kandidatura ni Vicente Amante noong nakaraang Halalan 2004 sa paniniwalang mas mabuti nga siyang pinuno kesa sa kanyang mga naging kalaban dahilan na rin sa ilang magaganda nitong nagawa sa unang siyam na taon niya bilang mayor ng lunsod.
Nauna rito, tahasang nanindigan din ang DERETSO laban sa kanyang kandidatura noong naghangad siyang maging congressman ng 3rd District ng Laguna. Naniwala kasi kami noon na kailangan ay isang may alam sa batas o mas dapat ay abogado sapagkat pangunahing tungkulin ng kinatawan ng distrito’y umugit ng batas at hindi mamahala ng pamahalaan.
Nanindigan nga ang DERETSO na dapat ibalik si Amante na mayor ng lunsod dahilan na rin sa kanyang natural na alam sa pamamahala ng lunsod tungo sa kaunlaran nito.
Naninindigan ang DERETSO sa tama at hindi sa maling gawa. Ibinabandila natin ang magagandang nagawa kung labis na sa paggampan ng public office at hindi naman natin tinatantanan at nangingiming laitin ang mga maling gawa.
Nilinaw natin iyon kay Amante sa mga unang linggo nang kanyang pagkapanalo bilang mayor nga uli ng lunsod. Binigyang diin ng DERETSO sa kanya na “magiging salamin” tayo ng kanyang panunungkulan
Sa panahon ng nakaraang kampanyahan, dalawang mahahalagang usapin ang pinalutang ng kanyang mga nakalaban: panunumbalik at paglala ng droga sa kalunsuran at paglustay sa kaban ng lungsod.
Taas ang dalawang kamay ng DERETSO sa panunumbalik ng droga sapagkat naniniwala tayo na malalim itong usapin… malalim na baka nga abot ito sa pasilyo ng kapangyarihang pulitikal doon sa Kamaynilaan.
Sa unang bugso pa lamang ng panunungkulan ni Amante’y naramdaman na natin ang mainit na pagbabalik ng mga iligal na sugal.
Isa sa nanalong konsehal na kakampi (dati) ni Boy Aquino ang sinubukan nating kantiin tungkol sa jueteng. “Siya” daw sa grupo nila (na mga dati ring kakampi ni Boy Aquino) ang dapat kausapin tungkol sa jueteng. Sa loob-loob ko’y hindi pa man nakakaupo’y nasa utak na kaagad pala ang pagkakakwartahan.
Hindi pa man ganap na nakakaupo bilang mayor si Amante’y naramdaman na rin natin na isa sa kapatid ni mayor ang siya namang hahawak ng iligal na video karera. Hanggang ngayon, siya na nga ang protector ng video karera.
Sa panahon ni dating mayor Boy Aquino unang natatag ang Krusadang Bayan Laban sa Iligal na Sugal at Droga. Pinamunuan ito ni Monsignor Jerry Bitoon, isa diumanong lider ng civil society sa lunsod at namamahala noon ng St. Peter’s Seminary.
For the record, “hiniram” lamang ni Bishop Cruz ng Pangasinan ang katawagang “Krusadang Bayan”.
Sa mga unang linggo nang pagkakatatag nito sa lunsod ay naging aktibo na ang DERETSO kasama ang ilang matataas na executive ni Boy Aquino. Pinakiramdaman nating mabuti kung saan nga ba patungo ang Krusadang Bayan ni Bitoon.
Nang mamatay sa sakit sa puso ang isang pulis San Pablo’y mainit na nakilahok ang Krusadang Bayan, pati na rin ang DERETSO, sa pagbatikos kay Aquino. Nagsagawa pa ng Mahal na Misa si Bitoon sa mismong harap ng kapitolyo. Naipalabas pa iyon sa TV Patrol ng ABS-CBN.
Sa pagbabalik ni Amante sa kapangyarihan nanatili pa rin ang Krusadang Bayan, hindi na nga lamang kasing init sa panahon ni Boy Aquino.
Nang pumutok nga ang usapin ng 25.6 milyong pisong pagbili sa walang titulong 3.05 ektaryang lupa sa may Brgy.
Nagpatawag ng special meeting si Bitoon na ginawa
Humahaba ang meeting ay wala pang nababanaag ang DERETSO na konkretong planong gagawin ang Krusada (na tila nga nagiging tsismisan lamang) kaya’t nagmungkahi kami ng dalawang suhestiyon kay Bitoon:
Una, gumawa ng isang open letter kay Amante na pipirmahan ng mga taga-Krusada at concerned citizen ng lungsod at ilalathala iyon sa mga lokal na pahayagan ng lungsod at babasahin sa local radio and TV station. “Hindi na puwede kasi done deal na ang transaksiyon,” ayon kina Bitoon.
Kung hindi puwede ang una, dapat isagawa ang pangalawa: “Ihabla natin sa Ombudsman sina Amante,” muling suhestiyon ng DERETSO. Walang anumang reaksiyong narinig mula sa mga dumalong miyembro ng Krusada.
Inakala namin ni kasamang Iring Maranan na ang pananahimik na iyon nina Bitoon ay ayaw nilang ma-involve ng husto sa nasabing usapin na sa simula pa’y sila na rin ang nagsabi na “Sobra na! Kailangang sa simula pa’y pigilan na si Amante!” Kaya nga’t sinabi ko sa mga taga-Krusada na kung ayaw ninyong maghabla’y kami na mismong mga taga-DERETSO ang siyang maghahabla kay Amante.
Tinanong ni kasamang Iring Maranan si Bitoon kung susuporta ba siya at Krusadang Bayan sa gagawin naming paghahabla kay Amante. Nakabibinging katahimikan na tila kay tagal bago nakasagot si Bitoon ng “Oo” na labas pa sa ilong.
At naganap na nga ang paghahabla namin ni kasamang Iring Maranan sa Office of the Ombudsman sa
“Bahagi kami ng civil society,” standard na tugon namin sa kanila.
Lahat tayo’y bahagi ng civil society kung nais nating makamtan ang isang matiwasay na pamumuhay.
Tungkulin ng bawat isa sa atin na tulungan ang mga nasa pamahalaan sa pagpapatupad nila ng good governance.
Karapatan nating bantayan kung papaano ginagastos ng mga namumuno sa ating pamahalaan ang pondo ng bayan sapagkat tayo mismo ang siyang nagpakahirap sa pondong iyon.
Pananagutan natin sa susunod na henerasyon ang anumang ginawa natin sa ngayon.
At sa huli’y, baka nga sa unang pagharap sa Kanya’y hindi natin kayang masagot ng tumpak ang Kanyang katanungan na: “May pagkakataon kang baguhin ang dapat baguhin, bakit hindi mo iyon nagawa?”
Sampung buwan ng nakabinbin sa Ombudsman ang habla naming iyon ni kasamang Iring Maranan. Standard na tugon ni Amante sa mga taga-media kapag natatanong siya tungkol doon ay “bayaran” kami ni Iring, at “napupulitika lamang (siya).”
Hindi na nga kailangan pa ang isang Bitoon, na tumatakbo din naman sa totoong laban, upang ganap na umusad ang hablang nakahain sa tanggapan ng Ombudsman.
Hindi na kailangan pa ang isang samahan kuno na may blessing daw ng Ombudsman upang maghanap ng anomalya sa pamahalaan.
Kailangan lamang ay lapis at papel na isusulat doon ang tunay na damdamin ng bawat Pablo’y at ipapadala sa tanggapan ng Ombudsman upang ganap na masalubong ang anumang mga pantapal na isinasagawa ng kampo ni Amante.
Pablo’y, kayo na ang magtuloy ng countdown kung sa inaakala ninyo’y dapat pa nga ba itong gawin o hayaan na lamang nating patuloy na madamusak at malubog sa kumunoy ng utang ang nagiisang Lungsod ng Pitong Lawa.
2 Comments:
Ituloy nyo ang countdown. Umalis o hindi sila e mas mabuti na yung alam ng buong mundo kung gaano kahayop ibinoto nila.
HOY MGA PABLOY, GISING AT SUMAMA SA COUNTDWN!!!
Hindi na makukuha sa countdown sina Biteng, Adajar, Abi atbp. kasi katwiran nila, ala ding mangyayari sa habla. Ang dapat gawin e paglalagyan na ng tae ang pintuan ng bahay ng mga iyan at ng maamoy nila ang sarili nilang baho. Tangina nila! For the meantime, it's worth traying na mag-countdown.
Post a Comment
<< Home