| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Monday, December 19, 2005

Si MBA, si VBA

Pananaw ni Dodie C. Banzuela (San Pablo City, December 18, 2005) – Kay aga nating pinalitan ang sa akala nati’y “masamang tao” upang ang ipalit naman ay mas “demonyo.” Ito ang dighay ngayon ng karamihang taga-San Pablo.

Partkular na tinutukoy ay sina dating Mayor Boy Aquino (MBA) at mayor Vicente B. Amante (VBA).

Tatlong taon lamang nanungkulan si MBA bilang mayor ng lungsod na ito. Natapos naman ni VBA ang unang siyam na taon nito bilang mayor, at ngayon nga’y nasa unang termino siya sa kanyang pagbabalik.

Tingan nga natin kung may batayan ang dighay ng mga taga-San Pablo sa pagkukumpara sa dalawa sa ilang aspeto ng pamamahala.










































MBAVBA
SA BAHAGI NG GINAWA GINAGAWA

Palengke

Nagkaroon ng kaayusan:nadaanan ng mga motorista ang service road ng Mall;nabawasan ang ambulant vendors sa loob at labas ng Mall; maluwag na nadaanan ng motorista at mamimili ang kahabaan ng P. Paterno St. ; nabawasan ang snatching at nakawan

Muling nawala ang kaayusan: Ginamit na tindahan ang road; nagsikip sa ambulant vendor ang loob at labas ng palengke; maya't maya'y may insidente ng snatching at nakawan; muling nagsikip ang kahabaan ng P. Peterno dahil sa manininda at terminal ng mga sasakyan

Trapiko

Patuloy na nag-eksperemento para mapaluwag ang trapiko; binawasan ang terminal ng mga sasakyan sa loob ng kalunsuran; binawasan ang bilang ng mga nagta-tricycle na nakahimpil sa bawat kantuhan ng kalunsuran; maagap na tumugon sa reklamo ng publiko hinggil sa pang-aabuso ng mga nasa hanay ng public transport

Muling bumalik ang pagsisikip ng trapiko sa kalunsuran: lahat ng ng kantuhan sa kalunsuran ay ginawang terminal ng public transport;nanumbalik ang
pangaabuso ng mga magta-tricycle hindi lamang sa riding public ngunit pati na rin sa
paggamit ng mga ito sa bawat kantuhan ng kalunsuran bilang terminal

Illigal na sugal at droga

Nakipag-digma sa lahat ng uri ng iligal na sugal at droga

Nanumbalik ang lahat ng iligal na sugal at droga, katunayan,
napaulat sa Philippine Daily Inquirer kamakailan na batay na rin sa ulat ng hepe ng pulisya ditto ay halos kalahati ng kabuuang bilang ng barangay sa lungsod ay talamak ang droga. Mayorya din ng mga nakasampang kaso sa piskalya ay hinggil sa droga at mayorya din ng mga nakaditine ngayon sa BJMP ay may kinalalaman sa droga

Pondo ng bayan

Masinop na hinawakan ang pondo ng bayan. Katunayan nagsubi pa ng mahigit sa 50 milyong piso makaraan ang kanyang 3-taong panunungkulan

Inaaring parang kanya ang pondo ng bayan (halimbawa nga rito'y ang paglustay sa 25.6 milyong piso, 400 libong pisong ginalpong mula sa calamity fund noong December 2004 at ang napipintong pagbabayad (o nabayaran na) ng may 20.3 milyong pisong dumpsite)

Pamamahala Sa DLSP


Sinikap itaas ang propesyonalismo sa pamamahala sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga kwalipikadong tao sa board ng DLSP

Inaring parang kanya -- Ipinambayad sa political indebtedness: Mga walang sapat na kakayahan sa pamamahala ng kolehiyo ang nasa hanay ngayon ng board at maging ang college administrator at ilang nasa school management staff. Katunayan, itinalaga bilang college administrator ang isang Belinda Dumaraos, retired DepEd district supervisor na wala namang karanasang humawak ng kolehiyo. Itinalaga din bilang board secretary ang isang Ernesto Capulong na ang tanging kwalipikasyon lamang ay dating barangay chairman ng Brgy. San Gabriel . Binigyan din ng Teacher 1 item ang isang Janquil Bumagat na ang tanging kwalipikasyon naman ay nagging alalay ni Amante. Ibinigay din kay Baby Adajar, maybahay ni Konsehal Edgardo Adajar ang item na Associate Professor gayong dati lamang itong casual sa DLSP at nagtuturo ng typing.

Pangkalahatang Pamamahala sa Kalunsuran

Patuloy na nakipagugnayan sa iba't ibang sektor ng lungsod

Anarkiya; palakasan; basta't kikita ang sariling bulsa ayos lang kahit magulo at bawal sa batas




Sa kabuuan, tila nga yata nagkakatotoo ang pinalutang na isyu ng mga nakalaban sa pulitika ni Amante noong halalan 2004: manunumbalik ang droga at pangungurakot.

Iba na nga ngayon si Amante. Kung noong unang manungkulan ito’y pulidong ginampanan ang pagiging lingcod bayan, iba na ngayon: inaari na niyang kanya ang lungsod ng San Pablo – kung ano ang maibigan, kahit na nga labag sa batas, ay iyon ang masusunod, lalo na sa pamamahala sa kaban ng bayan.



2 Comments:

At 11:26 AM, Anonymous Anonymous said...

para sa akin parepareho lang silang mga tahirang politiko! Nasasaktan kuno sila kapag tinawag na trapo, e sa yun ang totoo! ang di inilagay ng Deretso e sa panahon ni boy aquino inilagay niya sa palamigan si fe abril at sinubukang inisin. Ngayon naman kay Biteng Amante ay binastos niya si rolly Cabrera ng city social welfare development sa pagtatapon nito kay rolly sa palengke. ang dapat sana'y hepe ng isang office ng city govt e ngayo'y nasa kalsada at nangongolekta ng buwis sa mga mamamayan para may malaspag si biteng. mabait din si rolly cabrera at di nito dinadala sa civil service comission ang usapin, tulad ng ginawa ni Bb. Fe Abril kay boy aquino. Ano kaya ang damdamin ngayon ni fe abril sa ganitong kalagayan ni rolie cabrera. Lasa ko'y patuloy na sinisipsep ni fe abril ang may std ng bayag ni biteng amante.
Ang dapat sa mga taga-san pablo ay mag-angat na ng bagong mukha sa pulitika.
Sa tingin ko kung hindi maghihiwalay ang 3 magkakakosang konsehal -- ivy, martin at gelo, e kaya nilang pataubin ang bulok at mangungurakot na amante team.
subok lang tayo ng kumbinasyon na parang jueteng ha: 1st combo- ivy for mayor, martin for vice mayor, tyak #1 konsehal si gelo. 2nd combo- ivy for congress, martin for mayor, gelo for vice.
Dapat ng iparamdam kay kurakot biteng na nag-iisa na siya ngayon. Huwag na sanag pansinin ng mga taga-bukid ang magiging paawa gimik niyan sa 2007: siya ang kandidato ng mahihirap at kandidato naman ng mayayaman ang sinumang kanyang makakalaban. sos!!!

 
At 8:01 AM, Anonymous Anonymous said...

masyadong talamak ang mga paninira nyo, tingnan natin kung nakanino ang suporta ng mga tao... ingat sa karma mga dude...

 

Post a Comment

<< Home