| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

Pavico, rumerekta sa VK operator?

“Dalawang text messages ang natanggap ng DERETSO mula sa iisang cellphone number +639197700_ _ _ na nagsasabing: ‘Flash report: kon pavico naliliitan sa payola ng vk dumerikta kay bombay! Dahilan takot malubugan’ Ipinadala ito noong 18-July 2005 ng 16:57:03. At ang sumunod ay noon ding 18-July 2005, 20:51:01 na ang sabi naman ay: ‘Pavico dapat mawalan ng hawak na kometiba dahil di yan knshl dapat dyn kolector at ang kanyang casual pa ang gnagamit na bagman dapat ding alisin yan – pls pass’

Hindi na nga sana papatulan ng DERETSO ang dalawang nabanggit na text messages, subalit dahilan na rin sa tinatakbo ng mga pangyayari sa pagpapasa ng VK ordinance, ‘eh tila nagkakaroon ng hibo ng katotohanan ang malakas na bulungan na ‘dyan daw sa kapitolyo’y tuntungan lamang ng mga halal ng bayan ang kani-kanilang hawak na tungkulin upang ga-mitin naman sa pagpapayaman sa sa-rili sa pamamagitan ng pangungurakot at pangingikil.

“Ngayon mapagtatanto na kaya binuwag ang naunang binuong pamunuan ng mga standing committees ay upang mailaan iyon sa mga gutom na gutom at sabik na sabik na magkapera. Totoo ba kanto boy pol colago?”

Mapapagtanto na iisa pa rin ang malaking suliranin sa lokal na pamahalaan: Good Governance, accountability and transparency.

Itinuturing ni Biteng Amante, sampu ng mayoryang Konsehal, ang pagpapatakbo ng lunsod bilang kanilang sariling “negosyo”. Wala sanang problema doon kung ibinabalik ng tama at may pagkakapantay-pantay ang kinita sa “pagnenegosyo”.

Ang siste’y sa kabila ng pakitang taong “free medical” clinic ay ang marami pa ring mahihirap na may sakit. Sa kabila ng mga pagkukumpuni sa mga pampublikong paarala’y patuloy na ninanakaw naman ang kakapurat na ngang tulong pampinansyal sa pagsali ng mga mag-aaral sa pang-rehiyon at pang-nasyunal na paligsahan…at ang nakakapanlumo’y umaabot hanggang tatlong buwan ang pagkabalam ng sahod ng ilang mga guro ng national high school na tuwirang pinasasahod ng lunsod.

Samakatuwid, punong-puno ng mga katiwalian ang taong 2005 sa kamay ng mga kasalukuyang namumuno ngayon ng pamahalaan ng lunsod at asahang muli itong mauulit sa buong taon ng 2006…

May karugtong



0 Comments:

Post a Comment

<< Home