| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

Iring Maranan, inexpelled sa DLSP

“Expelled without thinking!”

“Ito humigit kumulang ang naging buod ng isang Sulat na nagmula naman sa isang Ernesto Capulong na ipinakita ng security guard ng Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo (DLSP) noong humigit kumulang alas-dose y medya ng tanghali ng July 22 kay Iring Maranan, chief-of-reporter at kolumnista ng DERETSO.

“Si Capulong ang diumano’y board secretary ng board of trustees ng DLSP at hindi malinaw kung kasama sa kanyang tungkulin ang gumawa ng ganoong kasensitibong kalatas sa isang kasensitibong usapin.

“Sa unang pagpapakita ng security guard kay Maranan ng nasabing kalatas, hiniling ni Maranan na mabigyan siya ng kopya. Tumanggi ang security guard batay na rin diumano sa kautusan ni Capulong.

“Kasama ang media at ilang tauhan ng pulisya, muling nagbalik si Maranan sa gate ng Dalubhasaan at doo’y hiniling na makausap niya si Capulong.

“Sa pagharap ni Capulong, tinanong siya ng kasamang pulis ni Maranan kung bakit ayaw papasukin ito sa kabila ng fully paid na ito ng buong semester. ‘Expelled na siya!,’ tugon diumano ni Capulong sa pulis.

“Hiniling ni Maranan kay Capulong na mabigyan siya ng kopya. Doon na ‘lang daw sa kanyang tanggapan at sa tanggapan ng student affairs. Hiniling ni Maranan na makasama niya sa pagpasok sa nasabing paaralan ang media at pulis. Hindi pinayagan ni Capulong ang media, pulis na lamang daw. Hindi na nagpilit pang pumasok si Maranan.

“Batay sa mga dokumentong hawak ni Maranan, fully paid na nga ito sa DLSP ngayong semester sa kursong AB Political Science at nakakuha na siya ng kaukulang high school credentials sa Laguna College, dangan na nga lamang at noong a-kuwatro ng Agosto napapabigay iyon sa kanya.

“Nag-ugat ang ‘pag-iinit’ ng ilang namamahala sa DLSP kay Maranan sa napalathala sa DERETSO na ilang mga puna niya sa nasabing paaralan kamakailan.

“Noong July 26, pormal na sumulat si Atty. Alvin Exconde, abogado ni Maranan, kay Capulong na nagsasabing dapat ‘bawiin ni Capulong’ ang memorandum na nagbabawal nga kay Maranan na makapasok ng DLSP. Ayon pa sa sulat ni Exconde: ‘…and allow my client to attend his classes within twenty-four (24) hours from receipt of this letter. Otherwise, we will be constrained to file the necessary complaints against you, other concerned school officials and school itself.’

Ayon sa Rules on Students Discipline na nakalimbag sa Student Handbook ng DLSP (na binayaran ng mga mag-aaral doon ng halagang PhP 40.00), 17 grounds ang batayan para ma-expelled ang isang mag-aaral doon:

“1. Illegal possession or the use of prohibited drugs or chemicals within the school premises.

“2. Pushing or selling dangerous drugs.

“3. Carrying, or possessing any dangerous or deadly weapons within the school premises.

“4. Instigating, holding, and/or participating in illegal strikes or similar concerted activities resulting to the disruption of classes.

“5. Gross and deliberate discourtesy to any school official, faculty member or security guard.

“6. Insulting, bullying or challenging any student or school personnel.

“7. Vandalism or destroying any student or school property.

“8. Stealing anything in the school premises, whether the property stolen belongs to the school, faculty member, employee or any other student.

“9. Joining and/or engaging in activities of fraternities such as hazing and hooliganizing.

“10. Cheating in any form during examination or showing any act of dishonesty (e.g. forging school official’s or teacher’s signatures, or tampering with official school papers, school records, school forms, and other papers and documents.)

“11. Unauthorized possession of and/or drinking of alcoholic beverages inside the campus or within the perimeter radius of 100 meters away from any of the building of the college, or coming to school drunk.

“12. Removing or tearing pages of library books and other reading materials.

“13. Intentionally making a false statement or withholding vital information before an investigating committee of the college.

“14. Exhibiting immoral or indecent conduct.

“15. Distributing leaflets and subversive materials.

“16. Giving or complaining to students.

“Ang tanong ng taumbayan: Kung ang nahulihan bang mag-aaral na may dalang droga’y ikatwirang sa Brgy. San Juan o Brgy. Sta. Maria Magdalena niya iyon kinuha, ma-expelled pa rin kaya siya?

“Kung ang itinutulak na droga’y galing sa magkakapatid, sipain pa rin kaya ang mag-aaral?

“Kung hindi naman kagalang-galang ang sinumang opisyal ng DLSP, tulad ng isang Capulong, sipain pa rin kaya ang isang mag-aaral kung dedmahin niya ang makipagpulong?

“Bakit wala sa student handbook ang proseso naman ng pagpapaabot ng hinaing ng mga mag-aaral kapag tahasang nakikita nila ang kababuyan ng ilang mga opisyales ng DLSP?

“Sino nga kaya ang kapulong ni Capulong sa ginawa niyang iyon? Sinabi kaya ng kapulong ni Capulong na kahiya-hiya at katangahan ang ginawa niyang iyon? O sadyang may katangahan nga ang isang Capulong na buong arogante pang nagsabi noon na “under niya ang college administrator”? Anong katangahan ang sistemang mas mataas pa ang kapangyarihan ng isang board secretary sa college administrator? Ano nga ba ang DLSP, Dalubhasaan sa paglilinang ng tamang asal o pagdadalubhasa sa pagkuha ng boto, pang-uumit sa pondo ng mga mag-aaral doon at pag-eeksperto sa katangahan at kahihiyan?”

Hindi lamang sina Konsehal Abi Yu at Egay Adajas ang nagpakita ng kagaspangan sa loob mismo ng dapar sana’y disenteng Bulwagan ng Konseho.

Pati si Konsehal Richard Pavico ay nagpakita na rin ng pagkagahaman sa kapangyarihan at salapi nang pasadahan namin siya sa August 13 – 19 edition…



0 Comments:

Post a Comment

<< Home