| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

Nonong Brion, pinasosoli lahat ng pondong natanggap mula 2001 hanggang sa kasalukuyan, COA kinilala si Dan Ambray

“Nagulat si Atty. Marciano P. Brion, Jr. at maging ang abogado nitong si Atty. Dave Gesmundo sa nakaraang court hearing noong July 25 sa Regional Trial Court, Branch 29 sa lungsod na ito nang isumite ni Damaso Ambray sa Korte ang hinggil sa isang Audit Observation Memorandum (AOM 04-10) ng Commission on Audit (COA) na may petsang July 19, 2005 na ipinadala kay Engr. Roger Borja, General Manager ng SPCWD at natanggap ng kanyang tanggapan noon namang July 22, 2005.

“’In view of the decision rendered by the Supreme Court, the total amount received by Atty. Marciano P. Brion (Jr.) in his capacity as representative of the Civic Sector of the San Pablo City Water District Board of Director, effective January 1, 2001 to present is without legal basis.

“’Require Atty. Marciano P. Brion (Jr.), Chairman of the Board of Directors, SPCWD, to refund the total amount received by him in his capacity as representative of the Civic Sector…”. Ito ang bahagi ng nakasaad sa nasabing observation memorandum.

“Pinagbatayan nga ng COA ang naging desisyon ng Mataas na Hukuman na kumatig naman sa naging desisyon noong May 28, 2001 ng Regional Trial Court ng lungsod na ito hinggil sa Civil Case No. SP-5775(01) na nagdeklarang balido ang ‘appointment’ ni Ambray noong December 15, 2000 bilang kinatawan ng civic sector kapalit ni Brion, Jr.

“Ang nasabing Desisyon ng Mataas na Hukuman ay naging ‘final and executory and was entered in the Book of Entries of Judgements’ noong February 20, 2004. Pinal ding niresolba ng Mataas na Hukuman noong March 10, 2004 ‘to deny for lack of merit the motion of petitioners for leave to file a second motion for reconsideration.’

“Matatandaan na hindi pa rin ‘kinilala ng board’ ang nasabing Kautusan ng Mataas na Hukuman kaya’t noong September 24, 2004, kasama si Sherrif Joven Fule ng RTC, Branch 29 ay isinilbi sa board ang Kautusan ng Korte.

“Matatandaan din na kinober ng DERETSO ang nasabing insidente na nagresulta sa pagsasampa ni Ambray ng kasong Contempt laban kay Brion, Jr. Kasalukuyang dinidinig sa RTC ang nasabing kaso.

“Mahigpit ngayong babantayan ng publiko, pati na rin ng mga kawani ng distrito, si Renato Amurao, manager ng finance division sa masinop nitong pagtupad sa nasabing COA memorandum. May nakarating na impormasyon kasi sa DERETSO na ‘hindi susundin ng finance division’ ang nasabing kautusan sapagkat iyon daw naman ay isa lamang “observation report ng COA” na puwede daw mali ang obserbasyong iyon.

“Ang tanong pa rin ng taumbayan: Kung kinilala na ng Mataas na Hukuman at ng COA ang validity ng appointment ni Ambray, bakit hindi iyon kilalanin ng kasalukuyang board at ni Brion, Jr. mismo? Kung dalhin kaya ang usapin sa barangay court, kilalanin na kaya ito ni Brion, Jr.? Kung hindi pa rin, umubra na kaya ang Kangaroo court?”

Pati naman ang pamunuan ng Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo’y naki-eksena din sa mga kaanuhan nang walang kaabug-abog ay i-expelled nila si kasamang Iring Maranan.

Napaulat ito sa August 6 -12 edition din ng DERETSO.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home