| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

DERETSO video documentary, tinanggap na ebidensya sa Korte

“Tinanggap na ebidensya noong July 25, 2005 ng Regional Trial Court, Branch 29 ng lungsod na ito ang master tape ng isang video documentary ng DERETSO hinggil sa ginawa nitong coverage noong September 24, 2004 na may kinalalaman sa usapin ng San Pablo City Water District (SPCWD), partikular ang labanang Damaso Ambray vs. Atty. Marciano P. Brion, Jr.

“Pinanood noong nakaraang court hearing ng July 25 ang nasabing master tape sa loob ng sala ni Executive Judge Ramon Paul L. Hernando ng RTC, Branch 29. Bukod kay Hernando, nasaksihan din iyon nina Brion Jr., Atty. Dave Gesmundo (abogado ni Brion Jr.), Ambray, Atty. M. Amorando (abogado ni Ambray), ilang mga court employee, at ni Ariston Mitra.

“Naglalaman ang nasabing master tape ng mga video footage nang isilbi ni Sheriff Joven A. Fule, Sr. ang Order ng Supreme Court na kilalanin ng board of directors ng SPCWD na ‘valid’ ang appointment ni Ambray kapalit ni Brion Jr.

“Una nang ipinirisinta kamakailan sa Korte ni Ambray ang edited version naman ng nasabing master tape na ipinalabas sa Telmarc CATV 21 noong nakaraang taon. Hindi pumayag si Gesmundo na pagbatayan ng Korte ang nasabing edited version at mas hiniling nito ang master tape.

“Sa nasabing video footage na kinuha ni Junjun Betita, official cameraman ng DERETSO at ng EXPOSURE, kitang-kita doon kung papaano bastusin, mula sa security guard hanggang sa loob mismo ng boardroom si Ambray at Sheriff Fule.

“Bukod kay Brion Jr., nakuhanan din ng video sa loob ng boardroom si dating director Dionisia de Roma, kasalukuyang director Atty. Carding Fabros, isang kinatawan sa board mula sa LWUA, Teresita Rivera kasama ang isa pang secretariat ng board. Nakunan din ang masaganang mga pagkaing nakahayin sa salas ng boardroom at maging ng mga sariwang prutas sa kitchen ng boardroom. Nakuhanan din ng video si Dr. Rudy Estiva na nagalit pa sa DERETSO nang tangkaing kapanayamin siya. Hindi naman nakunan ng video, subalit nasa labas naman ng boardroom si Ariston Mitra.

“Sa nasabing master tape, ipinahayag ni Mr. Guillermo Becinas, DepEd retiree na “nalulungkot” siya sa hindi pagsunod ni Brion Jr. sa Kautusan ng Mataas na Hukuman “gayong isa itong friends & officer of the court”. Nagpapakita aniya ng maling ehemplo si Brion Jr. sa patuloy nitong “pagsuway” sa nasabing kautusan.”



0 Comments:

Post a Comment

<< Home