Branch ng Panching’s Ipinasara: Celia Lopez, pinuro ng kapitolyo?
“Show of force?” “Pagpapakita ng kahambugan?” “Di makuha sa inis, kaya’t ipinasara?” O talaga lamang benggador na ang nakaupo ngayon sa 1st floor ng 8-storey building sa kapitolyo?
Ito ang naging lead sa October 15 – 21 edition ng DERETSO.
Ang kabuuang balita:
“Ilan lamang ito sa naging komentaryo ng mga taong nakasaksi noong hapon ng a-dose ng Oktubre nang ipasara ng lokal na pamahalaan ng lungsod na ito ang branch ng Panching’s na nasa 1st floor ng San Pablo City Public Market & Shopping Mall sa utos diumano ni Mayor Vicente Amante. Pag-aari naman ni Gng. Celia Conducto-Lopez, may walong taon ng presidente ng Federation of San Pablo Market Retailers, Inc. ang nasabing tindahan.
“Tila din naging isang battle ground ang nasabing lugar sa public market nang sumugod nga doon ang sangkatatuk na miyembro ng Public Safety Assistance Force (PSAF) at mga tauhan ng pulisya nang ipatupad nga ang nasabing pagsasara ng Panching’s dahil diumano sa ‘hindi pagbabayad ng Mayor’s Permit.’
“’Bakit kailangan pang magsukbit ng baril si Cuasay (hepe ng PSAF) nang sumugod sila sa palengke? Bakit supermarket ba iyon ng iligal na droga? Bakit hindi niya gawin ‘yon sa
Wala namang kautusan mula sa anumang Korte sa bansa na naipakita ang awtoridad nang gawin nila ang nasabing pagpapasara, maliban na lamang sa pabulong at nahihiyang sabi ng mga taga-PSAF at pulis na ‘utos ni mayor.’
“Malapit sa may main lobby ng public market ang nasabing tindahan na kung saan ay puno naman ng mga ambulant vendor ang lugar na iyon pati na rin ang kahabaan ng service road.
“Matatandaan na sa nakaraang edisyon ng DERETSO, Taon 6, Bilang 48, Oktubre 1 – 7, 2005 na may titulong Federation of San Pablo Market Retailers, Inc, Umalma Na at Taon 6, Bilang 14, Pebrero 5 – 11, 2005 na may titulo namang Mga Lokal na Negosyante UMALMA SA PAMBABRASO, nalathala doon ang pormal na pagpaparating ng mga hinaing ng pederasyon kay Amante.
“Halos iisa ang diwa ng dalawang sulat na iyon kay Amante: Nalulugi ang mga stallholder dahilan na rin sa mga ambulant vendor.
“Ayon nga sa ulat ng Pebrero 5 – 11, 2005: ‘Naglabas ng isang resolusyon ang Sangguniang Panglunsod na nagbibigay ng palugit ang lokal na pamahalaan ng lungsod na ito hanggang a-bente otso ng Pebrero 2005 para nga sa pagbabayad ng mga kaukulang local taxes, fees and charges.
“Nag-ugat iyon sa isang sulat kahilingan na natanggap ng komitibang pinamumunuan ni Konsehal Richard Pavico mula sa Federation of San Pablo City Market Retailers Inc. noong a-trese ng Enero 2005. Hiniling ng nasabing pederasyon kay Mayor Vic Amante na lahat ng mga manininda na kasapi ng pederasyon ay kung maaaring kumuha ng mayor’s permit sa nalolooban ng taong kasalukuyan na hindi papatawan ng anumang pena at surcharges.’
Ayon sa nasabing sulat: ‘Tiim-baga po naming pinilit kayahin ang patuloy na kalunos-lunos na estado ng aming mga negosyo. Dumaan ang ilang buwan, dumaan ang Pasko – kung kelan
“Kung kaya’t laking gulat namin nang kami ay magsipagtanong sa inyong tanggapan ukol sa mayor’s permit. Mayor — bakit po ang inyong mga tauhan ang nagdidikta ng halaga ng assestment? Ano po ang basehan nila? Hindi po nila alam ang pagkalugi ng aming negosyo. Hindi na ho namin kailangang mangdaya sa aming kita, dahil halos wala na po kaming kinikita. HINDI NA PO NAMIN KAILANGANG MANDAYA DAHIL TALAGANG WALA NA PO KAMING KINIKITA, bahagi ng sulat ng pederasyon kay Amante na may petsang Enero 10, 2005.’
“Sa nasabing ulat, sinabi ni Lopez, presidente ng pederasyon, na ‘Wala kaming intensiyon na paalisin ang mga ambulant vendors, ang hiling lamang namin sa local government ay magkaroon ng kaayusan sa ating palengke, lalo na sa bahagi ng service road. Ang reyalidad nito, nagbabayad kami ng mga kaukulang buwis sa ating pamahalaan taun-taon, kasama na ang pinataas na garbage fee na nagkakahalaga ngayon ng one thousand five hundred pesos mula sa dating 250 pesos, gayong hanggang market ticket lamang naman ang ibinabayad ng mga ambulant vendors na nagkakahalaga lamang ng may sampu hanggang bente pesos gada araw.
“’Pormal kaming sumulat kay Mayor Amante noong Setyember 2004 at hiniling sa kanya na ayusin nga ang puwesto ng ambulant vendors upang kumita rin naman kaming may mga puwesto-piho, pero hanggang sa kasalukuyan, hindi nagkaroon ng kaayusan at lalo pang lumubha ang problema. Tapos ngayon, sisingilan kami ng buwis na halos apat na beses ang doble kesa noong isang taon. Saan namin ‘yun kukunin gayong ang inaasahan naming holiday season na dapat ay nakabawi kami sa benta ay napurnada pa?’
“Nakasaad naman sa Setyembre 5, 2005 na sulat na ipinadala ni Atty. Venancio Villanueva, legal counsel ng pederasyon na: ‘In the meantime that the aforementioned problems have not been resolved payments of daily stalls are being collected and deposited to the bank as sign of good faith of SPMRI.’
Isinasaad ng Section 171 ng RA 7160 o ang Local Government Code of 1991 na ‘maaaring suriin ng provincial, city, municipal or barangay treasurer ang books, accounts, and other pertinent records of any person, partnership, corporation, or association subject to local taxes, fees and charges in order to ascertain, assess, and collect the correct amount of the tax, fee, or charge. Gagawin iyon during regular business hours, only once for every tax period.’
Isinasaad pa rin sa RA 7160, na ‘kailangang bayaran ang lahat ng uri ng local taxes, fees and charges sa unang 20 araw ng Enero.’ Nakasaad din doon na ‘maaaring magbigay ng hanggang anim na buwang palugit sa pagbabayad ng local taxes, fees and charges without surcharges or penalties.’
“Pananaw ng DERETSO
“Hihiramin sa isyung ito ang naging pananaw ng DERETSO na mula sa Taon 6, Bilang 14 sapagkat ganoon pa rin ang pakiramdam nina Pablo’y sa naganap ngang pagpapasara ng tindahan sa palengke ni Celia Lopez:
“Sa bahagi naman ng iba pang mga lokal na negosyante sa lunsod na ito, hirap nga ba sa pagnenegosyo ang dahilan kung bakit nabalam ang pagkuha nila ng business permit?
“Tila nga yata nagbabalik tayo sa madilim na karanasan ng ating lunsod nang panahong gipitin ng mga nasa kapangyarihan ang mga negosyante, ito ang malalim na tinuran ng isang negosyante sa lunsod na ito makaraang pagbayarin siya ng halos tatlong beses na karagdagan mula sa dati nitong binabayarang business permit. Hiniling niya sa DERETSO na huwag ng banggitin ang kanyang pangalan. Ganito din aniya ang damdamin ng iba pang mga negosyante sa lunsod.
“Ayon sa kanya, ang dating 200 pesos garbage fee ay naging one thousand five hundred na ngayon. Subalit hindi pa iyon aniya ang matindi.
“Kapag sa palagay nila’y kalaban ka sa pulitika, doon ka na pahihirapan. Titigan ka ng hitman at pagkatapos ay sasabihing, hindi puwede ang amount na ito. Ang dapat sa ‘yo ay ganito. At magugulat ka na lamang na mula sa dating nakaraang piso ay pagbabayarin ka ng halos anim na piso. Kapag tinanong mo naman kung saan kinuha ang ganoong kuwenta… para na ring direktang sinabi sa ‘yo na ‘kalaban ka sa pulitika’ sa paghingi naman sa ‘yo ng kung anu-anong papeles mula sa sales invoice hanggang sa marriage contract.”
“Nasasabi ko ito ngayon sa ‘yo sapagkat tila nga yata nag-180 degree turned si Mayor Amante sa mga mamamayan — mula sa dating mahusay na mayor, ‘eh nagiging benggador na siya pati na rin sa aming mga negosyante. Bakit ganoon?
“Kahit na anupamang sabihin, mga negosyante ang kabalikat sa kaunlaran ng kahit na anung uri ng pamahalaan. Kapag ginipit ng pamahalaan ang mga negosyante, ginipit mo na rin ang kalakhang mamamayan.
“Masakit mang sabihin, matindi ang pulitikahan sa ating lunsod mula pa noong mga nakalipas na taon. Walang continuity ng magaganda at maaayos na sistema. Sa pagpapalit ng liderato, lahat palit, ultimong maaayos na sistema ay ibinabasura. Suma total, kalakhang mamamayan ang tinatamaan.
“Naroroon na tayo na may kapangyarihan silang suriin ang aming mga dokumento, pero dapat iyon within taxable year. Ano nga ba ang reyalidad? Sa pagpasok ng taon, kailangang bayaran na ang mga kaukulang buwis hanggang a-bente ng Enero. At doon pumapasok ang sa pakiramdam namin ay panggigipit. Kapag kasangga nila, maluwag na padadaluyin ang proseso. Kapag perceived political foe, doon na ibabato sa mukha mo ang kung anu-anong regulasyon.
“Gusto ko lamang bigyang diin na kung talagang nakikita ng mga mamamayan na naibibigay ng pamahalaan ang mga basic services at hindi ang pag-aahente ng lupa at pagiging kontraktor, ‘eh hindi naman magrereklamo ang mga taxpayer na magbayad on time, o baka nga i-advance pa nila iyon.”
May tanggapan na ngayon ng Tourism Office sa ilalim ng Office of the Mayor. Subalit gaano kasinop pinalano ni Biteng Amante ang tanggapang ito upang ang mismong unang line of defense para malaman kung tourist friendly nga ba ang isang lugar o hinde ay…
0 Comments:
Post a Comment
<< Home