Taripa ng tubig, tumaas na simula sa Agosto 2005
“Mula ngayong buwan ng Agosto ay PhP 100.00 na ang minimum (unang 10 cu.m) ng taripa ng tubig sa lungsod na ito na sisingilin ng San Pablo City Water District (SPCWD) sa mga residential and government users mula sa dati nitong PhP 67.60. PhP 200.00 naman sa Commercial & Industrial; PhP 175.00 sa Commercial A; PhP 150.00 sa Commercial B; PhP 125.00 sa Commercial C; at PhP 300.00 sa Wholesale. Ito ang naaprubahan ng Local Water Utililities Administration (LWUA) sa bisa ng Resolution No. 134 (05) kamakailan. Noong 2004 pa ang dating minimum na PhP 67.60.
“Bukod sa nasabing minimum water rate increase ng residential and government users, magtataas din ang commodity charge ng mga ito batay sa laki ng kanilang konsumo gaya ng sumusunod:
Commodity charge 2004 rate August 2006 rate
11 – 20 cu.m 7.45 11.00
21 – 30 cu.m 8.20 12.15
31 – 40 cu.m 9.00 13.30
41 – up cu.m 9.45 14.00
“Ang nasabing pagtataas ay tinalakay sa isinagawang public hearing noong a-bente dos ng Abril 2005 sa San Pablo City Water District Regional Training Center na dinaluhan ng iba’t ibang sektor mula sa lungsod na ito.
“Sa kabila ng mariing pagtutol ng mayoryang dumalo sa nasabing public hearing, ganap pa ring inaprubahan ng LWUA ang nasabing pagtataas.
“Hanggang sa sinusulat ang artikulong ito’y matindi pa rin ang pagtutol ng publiko sapagkat marami pa ring usapin sa distrito ang hindi natutugunan ng maayos ng mga namamahala doon.
“Naniniwala ang karamihan sa dumalo ng nasabing pagpupulong na kung masinop lamang ang paggastos sa pondo ng distrito ng mga namamahala doon, hindi na kailangan pa ang malaking halaga ng pagtataas sa taripa.
“Nangunguna sa hindi pa rin nasusulusyunang hinaing ng publiko ay ang walang katapusang hablahan sa Korte sanhi naman ng hindi pagtupad sa proseso ng pagtatalaga ng mga director sa Board; iligal na paggastos mula sa pondo ng distrito ng mga dating board of directors batay na rin sa findings ng Commission on Audit (COA); pagsasagawa ng ilang palpak na proyekto; at diumano’y pag-o-overprice sa mga materials at mismong halaga ng proyekto.
“Hanggang ngayon, hindi pa rin naisosoli sa kaban ng distrito ni Engineer Roger Borja, general manager ng distrito, ang ipinampiyansa nito noong naditine siya sa National Bureau of Investigation (NBI), ilang taon na rin ang nakaraan, at ang backwages nina Evelyn Eje at Raquel Tolentino.
“Matatandaan na idineklara ng Mataas na Hukuman na iligal ang ginawang pagkakatanggal ni Borja kina Eje at Tolentino kaya’t ipinag-utos ng Hukuman na personal na bayaran nga ni Borja ang nasabing mga backwages kasunod ang pagpapabalik sa dalawa sa kani-kanilang puwesto.
“Matatandaan din na tanging si Eje ang napabalik sa kanyang dating position bilang administrative manager, subalit hindi si Tolentino na dating manager ng commercial division. Ginawang taga-timpla lamang ng kape ni Borja si Tolentino sapagkat napabigay na ang nasabing position sa isang Teresita Rivera kaya’t na-contempt of Court si Borja na siya ngang naging sanhi ng pagkakaditine nito sa NBI.
“Sa kasalukuyan ay may kinakaharap na kaso sa Sandiganbayan ang dati at ilang kasalukuyang district director: Atty. Butch Javier, Gani Gutierrez, Dioning de Roma (mga dating director) at Atty. Nonong P. Brion, Jr. (kasalukuyang director).
“May tatlo pang nakasampang kaso sa Regional Trial Court, Branch 29 sa lungsod na ito na may kinalalaman sa pagtatalaga ng director: Dr. Rudy Estiva vs. Engr. Totoy Adriano; Dan Ambray vs. Atty. Nonong Brion, Jr.; at Ariston Mitra vs. Atty. Nonong Brion, Jr.”
Kasama sa nasabing edition ang hinggil naman sa development ng kasong isinampa ni Dan Ambray vs. Atty. Marciano P. Brion, Jr.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home