| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

Brgy. Sta. Maria Magdalena at San Juan, pugad ng durigista o bentahan ng droga?

“Apat sa Brgy. Sta. Maria Magdalena at tatlo naman sa Brgy. San Juan ang lugar na kung saan naaresto ang mga pinaghihinalaang durigista. Batay ito sa accomplishment report ng buwan ng Enero 2005 ng Philipiine National Police sa lunsod na ito na may kinalalaman sa Republic Act 9165 o ang batas hinggil sa droga.

“Kung ganito ang trend ng mga nahuhuling durigista, masasabi kayang pugad ng durigista o ng bentahan ng droga ang dalawang nabanggit na barangay sa lunsod na ito?

“15 durigista ang napatalang kabuuang nahuli ng pulisya sa buwan nga ng Enero, na bukod sa nasabing dalawang barangay sa lunsod na ito ay nakahuli din sila ng isang suspek sa Brgy. Sta. Isabel at dalawa naman sa Green Valley Subdivision sa Brgy. San Francisco.

“’Hindi ko pipikitan ang mga drug pusher kahit sino pa sila at kung sinuman ang sinasandalan nila,’ pahayag sa DERETSO ni P/Sr. Supt. Alberto Garcia.

“Batay pa rin sa ibinigay na statistics ng pulisya, pinakamaraming nahuling durigista noong 2002, na kung saan, nakaaresto ang mga awtoridad ng 214 suspek na drug user; 110 suspek na drug pusher sa isinagawa nilang 212 na operasyon.

“Noong 2001, sa isinagawang 149 na operasyon, nakahuli sila ng 26 suspected drug pusher at 175 suspected drug user.

“Noong 2003, sa 139 na isinagawang operasyon, 49 ang naarestong suspected drug pusher at 153 naman ang suspected drug user.

“Malaki naman ang ibinaba nito noong 2004. Sa 50 operasyon ng pulisya, nakaaresto sila ng 10 suspected drug pusher at 72 suspected drug user.”

Talagang lumabas na maraming nahuling mga durugista at drug pusher sa panahon ni MBA dahilan na rin sa itinatag nitong Tabak, isang task force na naatasang siyang sumupil sa iligal na droga at sugal.

Subalit sa muling pagbabalik ni Biteng Amante sa kapangyarihan, naging ningas kugon lamang ang pagbaka ng San Pablo City pulis force sa usapin ng droga.

At matapos naman ang nasabing January 2005 report na ulat ni San Pablo City Police Chief Garcia, hindi na iyon nasundan pa sapagkat may nakarating na info sa DERETSO na napagyabyab daw ito.

Isang bukas na sikreto sa lunsod na isa si Konsehal Abi Yu na utangan ni Biteng Amante, kaya naman hindi na pagtatakhan kung…



0 Comments:

Post a Comment

<< Home