| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

NILINDOL: Nominasyon ni Abi Yu bilang chairman ng engineering & public works

Pati Kalikasan nagngitngit sa mga suwitik


“’Diyos ko pati ba langit ay nagngingitngit sa GALIT!?’ dighay ng DERETSO sa naganap na lindol na naramdaman sa lunsod na ito humigit kumulang alas diyes y medya ng umaga noong ika-22 ng Pebrero 2004.

“Naganap ang lindol sa kainitan ng regular session ng Sangguniang Panglunsod, eksakto matapos na mainomina at isara naman kaagad ni Konsehal Egay Adajar ang nasabing nominasyon kay Konsehal Abi Yu bilang chairman ng committee on engineering & public works. Si Konsehal Gelo Adriano ang dating may hawak ng komitibang ito.

“Limang komitiba na ngayon ang hawak ni Yu: Rules; Ways & Means; Market & Slaughterhause; Telecom, Trade, Commerce & Industry; at ang pinakahuli nga ay ang Enginering & Public Works.

“Sa pananaw ng DERETSO, apat sa komitibang ito ay pawang may kinalalaman sa pagkakaperahan. Posible ding pagkaperahan ang committee on rules kapag may ipanasok na usapin hinggil sa rules na reresolbahin naman sa pamamagitan ng fix-power ni Adajar.

“Tila nga yata umaarangkada na ang pag-iipon ng pondo para sa susunod na halalan sa 2007.”

Hindi lamang pamamahala sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Pablo ang aming masinop na binantayan. Patuloy na natala sa pahina ng DERETSO ang mga kaanuhan sa pamamahala naman sa San Pablo City Water District.

Katunayan, sumigaw pa nga kami ng malakas na…



0 Comments:

Post a Comment

<< Home