| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

ADAJAR, NAG-ASAL HAYOP SA KONSEHO: Adriano sinampiga ni Adajar. Pati si Iring Maranan idinamay

“Nag-asal hayop na naman ang isang fixcalizer Edgardo Adajar sa loob mismo ng Bulwagan ng Konseho matapos na sampigahin nito si Konsehal Gel Adriano sa gitna ng kainitan ng regular session noong ika-19 ng Abril humigit kumulang alas-onse ng tanghali. Makaraan naman ang ilang minuto, malakas na binangga ni Adajar si Iring Maranan ng DERETSO na nakatayo naman sa may labas lamang ng Konseho.”

Ito ang lead ng April 23 – 29, issue ng DERETSO.

Nag-ugat ang pananampigang iyon ni Adajar kay Adriano matapos na hindi pumayag si Konsehal Martin Ilagan na matanong sa kanyang ginawang privilege speech.

Nagpilit si Adajar at nang hindi siya pansinin ni Ilagan ay biglang rumatsada ng kanya gayong tapos na ang takdang oras niya.

Sa puntong iyon habang akala mo’y kung sinong madunong na mambabatas si Adajar na nagsasalita sa podium ay sunod-sunod namang sigaw na “Point of order, Mr Chairman!! Point of order ‘lang po, Mr. Chairman!!” si Adriano.

At walang kaabug-abog ay sinugod ni Adajar si Adriano kahit na nga anung pagpipigil ang ginawa ni Ilagan sa kanya.

“Binabastos mo na niyan ako, ah!!” sigaw ni Adajar kay Adriano at pagkalapit nga ay sabay sampiga dito.

Nabuwal si Adriano sa kanyang upunan sa pagkakasampigang iyon ni Adajar.

Nagsampa ng kaukulang reklamo sa committee on ethics ng konseho si Adriano na pinamumunuan ni Konsehal Laroza. Hanggang ngayon, tinutulugan pa rin ni Laroza ang nasabing usapin. Sa simula’y mainit na nagpaliwanag pa si Laroza na hindi niya iyon tinutulugan, bilang reaksyon nito sa napaulat sa DERETSO na “walang yagbols si Laroza sa pagresolba ng usapin nina Adajas at Adriano”. Katunayan aniya’y isinampa na niya ang kaukulang reklamo sa Malakanyang.

“Aba’y hindi kami ang dapat magresolba niyan! Internal problem ‘nyo ‘yan kaya’t sa inyong level dapat magkaroon ng resolusyon ‘yan,” tugon naman ng Malakanyang.

At ‘yun na nga, tuluyang nabistong talagang ‘alang yagbols, inutil, duwag at bobo si Laroza. Pero ‘wag ka’t matinik daw sa mga chicks na minsan na ring natampok sa mga blind item na ginagamit na motel ang kanyang tanggapan. Kasi nama’y paskong-pasko’y nag-o-office na ang tanging kasama sa upisina’y asawa ng may asawa.

At mula sa nasabing pagbabalita’y nabansagan si Adajar na Adajas.

Nang matapos na ang nasabing regular session d/w pananapak ay hindi pa rin doon natapos ang pag-aasal hayop ng isang adajas.

Mariin at malakas pa nitong binangga sa katawan si Iring Maranan habang nakatayo ito (Mranan) sa labas ng session hall at kausap sina Konsehal Gener Amante at Nelson Cornista, publisher ng Monday Mail, isa ding local newpaper sa lungsod.

At gaya ng inaasahan, “See no evil! Hear no evil! Say no evil!” sina Gener Amante at Nelson Cornista.

Matatag namang ipinakita ni Maranan na kahit na nga papayat-payat ito’y hindi siya kayang igupo ng isang adajas. Nanatili itong nakatayo matapos ang insidente.

Subalit makaraan ang insidenteng iyon ay hindi maiwasang makaramdam ng pananakit ng katawan si Maranan kaya’t noon di’y dinala namin siya sa pagamutan at pinasuri.

Ang ginawang iyon na kahayupan ni adajas kay Maranan ay pagpapakita ng kawalang respeto sa mga taga-local media. Ang pananatiling umid naman ng isang Nelson Cornista’y tumutukoy sa tunay na larawan ng local media sa San Pablo: Walang pakialam sa kapuwa media basta’t may malaking kikitain sa mga judicial notices. At ang pananahimik ni Gener Amante sa nangyari kay Maranan ay sumisimbolo ng kahungkagang tunay na maglingkod sa bayan.

Papaano pala kung may dalang .9mm o ice pick ang isang adajas? Baka nga napagbabaang luksa na ngayon sina Adriano at Maranan.

Kaya naman, naisulat sa pananaw ng DERETSO ang mga sumusunod:

“Pangil, bagwis, kuko, at sungay ang gamit ng hayop sa pagtatagisan sa bulwagan ng kagubatan. Talas ng kaisipan naman ang gamit ng tao sa pagpapalitan ng katwiran sa bulwagan ng buhay, lalo na’t kung iyon ay mismong sa loob ng Bulwagan ng Kongreso, Senado o Konseho.

“Kaya nga’t walang puwang sa kagalang-galang na Bulwagan ng Konseho ang isang mala-hayop y fixcalizer adajar, lalo na’t ang sinampiga niya’y isang konsehal ng lungsod na ito.

“Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-asal hayop ang isang fixcalizer adajar at banatan ang kapwa konsehal. Una itong nagpakita ng mala-demonyong paguugali nang barilin niya ang gulong ng kotse ni namayapang konsehal Boying Ticzon na nakaparada noon sa may Paseo de Escudero. Babae diumano ang dahilan nang pagwawala ni adajar.

“Noong ihatag ni Adriano ang kanyang sarili sa Konseho, sa panahon ni dating mayor Boy Aquino, bilang kapalit ng namayapang si Konsehal Boying Ticzon ay isa si adajar sa maigting na tumutol.

“Matatandaan na buong igting na tinutulan nina adajar, pati na rin nina dating konsehal Edwin Magcase, Jing Ramirez, Dante Amante, at iba pang konsehal ang pagkakatalaga kay Adriano. Nagpilit naman si Adriano at sa isang regular sesyon ay nagsalita ito na ikinayamot naman ni adajar. Hinalbot ni adajar ang mikropono na hawak ni Adriano at halos ipukpok niya iyon kay Adriano. Muling binanatan nina adajar si Adriano nang sapilitang itapon ng mga iyon ang lamesang ginagamit ni Adriano sa loob ng Konseho.

“At matatandaan na si fixcalizer adajar din ang siyang kaunaunahan at bukod tanging konsehal ng lungsod na ito na nabitbit ng pulis papalabas sa Bulwagan ng Konseho sa gitna ng isang regular session sa panahon ni dating vice mayor at namayapang Andy Castillo. Ang dahilan: tungkol sa kanyang diumano’y exposé ng baak-baak ng kanyang mga kasamahang konsehal.

“Tumitindi na ang kababuyan, kademonyohan at kahayupan ng isang fixcalizer adajar na tila nga ba ipinakikita nitong siya lamang ang matalino sa Konseho.

“Matuwid man o hindi ang kanyang pangangatwiran, hindi pa rin tama na gamitin ang kamao at mag-astang hayop lalo na sa kanyang kapuwa konsehal. Kung tutuusin, nasa puwitan lamang siya ni Adriano kung ang pagbabatayan ay ang nakuhang boto nitong nakaraang halalan.

“Kapansin-pansin din na wala man lamang ginawang konkretong hakbang si vice mayor Larry Vidal, tuluyan na itong nagdamusak. At ang siste pa nito’y itinuloy pa ang sesyon na tila ba walang nangyari.

“Hindi na ito dapat palampasin pa nina Pablo’y at ng Konseho. Gawin na dapat ang nararapat sapagkat ang dating aquarium ay baka nga tuluyang maging boxing arena ng isang fixcalizer adajar.”

Sa kagustuhan ni Amante na makapagkamal ng limpak na limpak na “kita” mula sa kaban ng lungsod ay inupakan niya pati mga lokal na negosyante ng lungsod na perceived political enemies niya.

Iba’t ibang pamamaraan ang ginawang “pagbengga” sa mga lokal na negosyante, lalo’t higit ‘yaong mga may stall sa public market.

Pinasakop sa mga ambulant vendors ang kahabaan ng service road na sa panahon ni MBA ay nagawang maibalik sa publiko. Pati ang bahagi ng A. Flores at P. Paterno streets ay pinalagyan din ng mga ambulant vendors. Sa panahon ni MBA ay nagawan niya ito ng paraan na magkaroon ng kaayusan.

Resulta: naging matumal ang bentahan ng mga may regular stall. At dahil matumal, humingi ang kalakhang may-ari ng stall ng palugit sa pagbabayad ng mga kaukulang local taxes and business permits.

Hindi pinansin ni Amante ang daing ng mga negosyante. Sa halip na pakinggan ang karaingan, nagpakita ng sampol ng tunay na paguugali sa pamamagitan ng…



0 Comments:

Post a Comment

<< Home