| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

Kambal na malaking balita sa 2005

Sa usapin ng Informatics

Amante at Andal kinasuhan sa Sandiganbayan

at

COA Findings sa operasyon ng San Pablo City Shopping Mall

Lugi ang City Government

“Nahaharap ngayon sa kasong criminal sa 1st Division ng Sandiganbayan sina San Pablo City Mayor Vicente B. Amante at Abdon S. Andal ng Brgy. San Mateo dahilan sa paglabag ng mga ito sa Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corruption Practices Act.

Ito ang nilalaman ng tatlong pahinang Information na nakalap ng DERETSO na isinumite ni James Abugan, Assistant Special Prosecutor III at inapruahan naman ni Special prosecutor Dennis Villa-Ignacio noon pang ika-26 ng Abril 2005. Naka-docket ang nasabing kaso na Criminal Case No: 28112.

“Partikular na nilabag nina Amante at Andal ang Section 3(h) ng RA No. 3019: ‘Directly or indirectly having financial or pecuniary interest in any business, contract or transaction in connection with which he intervenes or takes part in his official capacity, or in which he is prohibited by the Constitution or by any law from having any interest.’

“Ayon pa sa nasabing Information, ginamit ni Amante ang kanyang tungkulin bilang Mayor ng Lungsod ng San Pablo noong July 30, 2000 at nakipagsabwatan ito kay Andal, isang pribadong indibidwal sa Lungsod ng San Pablo, sa pagpapaupa ng isang bahagi ng San Pablo Shopping Mall sa San Pablo Information Computer Institute, Inc. (Informatics).

“Matatandaan na sa unang pagbabalita ng DERETSO ilang buwan na rin ang nakaraan, tuwirang sinabi ng Ombudsman na ‘dummy’ ni Amante si Andal sa ilang trasaksyon sa Mall.

“Ayon pa rin sa nasabing Information, Php 30,000.00 ang ‘recommended bailbond’ nina Amante at Andal para sa kanilang pansamantalang paglaya.

“Kabilang sa mga testigo sa nasabing kaso sina Commission on Audit personnel Teresita R. Del Mundo at Mario A. Corcega at Atty. Galileo P. Brion.

“Napag-alaman pa ng DERETSO mula sa source nito sa Sandiganbayan na nakatakdang basahan ng kaso sina Amante at Andal sa ika-3 ng Nobyembre 2005. Kasunod na rin aniya ang posibleng ‘three-month suspension’ ni Amante.

“Abutin pa kaya ng pasko ang kasong ito?”

Ito ang kabuuang balita ng DERETSO sa October 1 – 7, 2005 issue nito.

Mula sa pagbabalitang iyan ay inasahan naman ng mga taga-San Pablo na babasahan na nga ng habla sina Amante at Andal noon sanang November 3, 2005. Subalit dahilan na rin sa mga judicial process na nagagamit namang delaying tactics ng inaakusahan, hindi iyon natuloy.

Apat na taon na ang kasong ito na napasampa sa panahon ni MBA, at hanggang sa sinusulat ang Year End Report na ito’y patuloy pa ring nalulusutan ni Biteng Amante ang batas.

Kaya nga’t hindi maalis sa DERETSO ang mapa-DIGHAY ng “nawawalan na kami ng tiwala sa judicial system ng ating bansa.”

Nasasambit namin iyon sapagkat kung si MBA na kapartido na ng nasa Malakanyang ay halos ayaw pang umusad ang katarungan sa kasong kanyang isinampa, how much more kami na isang ordinaryong mamamayan lamang at yagit na media practitionaire?

Hindi nga kami politiko o may limpak na salapi upang ipausad ang katarungan. Tanging sandata nami’y ang kagustuhang makatulong sa pakikidigma sa katiwalian sa pamahalaan, kahit man lamang sa maliit naming bayan.

Bakit nga ba hindi kami mapapa-DIGHAY ng ganoon gayong mismong taga-Commission on Audit na ang nagsabing LUGI ANG CITY GOVERNMENT ng PhP137,369,697.79 sa unang apat na taon nitong operasyon ng San Pablo Shopping Mall and Public Market mula 1997 hanggang 2000.

Walong punto ang sinabi ng COA sa kanilang report na nakasampa sa Sandiganbayan kung bakit nga ba Lugi ang City Government, at ito ay ang mga sumusunod:

“1. The San Pablo Public Market and Shopping Mall failed to operate viably under the existing condition because it was over-expanded beyond capacity to pay the financial obligations it incurred in the construction of the Phase I building and to support the operation.

“2. The City Government invested approximately P21.95 million on facilities and amenities that remained unused.

“3. The City Government failed to implement the provision of Section X of the Contract of Lease relative to sharing of maintenance and operating cost of common areas and facilities of the market; thus, the City Government solely assumed the expense of at least P1.73M a year for the cost of electricity alone.

“4. The City Government disbursed funds for electric consumption of all tenants/stallholders in the market without appropriation and authority from the Sangguniang Panglunsod contrary to Section 4(1) of PD 1445; subsequently, it suffered losses of an average P116,894.75 every month for electricity it did not consume.

“5. The City Engineer Office staff had collected daily the payment of electricity consumed at the market meat section without proper authority and did not issue official receipt contrary to Sections 64 and 68 of PD 1445 resulting to improper accounting of the collections.

“6. The adjudication and award of market stalls were not undertaken in accordance with the provisions of the Revenue Code of the City of San Pablo.

“7. The City Treasurer Office failed to monitor the actual occupancy of the lease resulting to nonpayment of stall rental and to implement administrative or legal sanction for violation of Sections IV, XIII and XVII of the contract of lease relative to the uses of the leased stall, transfer of rights and subleasing of the stall in the market.

“8. The contract of lease with Mr. Cheung Tin Chee in the third floor is deemed disadvantageous and prejudicial to interest the City Government of San Pablo.”

Mapagtatanto na sa pagkalugi ng city government ay posible namang tumubo ng malaki si Biteng Amante, sa pamamagitan ng pagbubulsa ng bayad sa rights ng mga nag-avail ng puwesto sa 2nd floor ng Mall. Pinatunayan ito sa ebidensiyang inilabas ng mga taga-Informatics na personal na tinanggap at pinalitan ni Biteng Amante sa bangko ang tsekeng nagkakahalaga ng mahigit sa isandaang libong piso, kasama din doon ang personal na pagtanggap sa halos kalahating milyong pisong cash. Nagkamal din ng malaking tubo ang isang pribadong tao nang mabisto naman ng taga-COA na mula sa upa nitong halos 300 piso lamang na per square meter sa pamahalaan ay ipina-sublease naman niya ito ng may Php3,000.00 per square meter sa Binggo Pinoy.

Informatics pa lamang ang hayagang lumalantad. Kung magkakaroon lamang sana ng tapang ng loob ang iba pang nakapag-avail ng puwesto sa 2nd floor, posibleng mas malaking kita pa sa Mall ang mabibisto kay Biteng Amante.

Suma total, sa pagkalugi ng city government, nagkamal naman ng kurakot ang ilang ganid na city public official at pribadong tao.

Lalong pinatunayan ni Biteng Amante na kimis niya ang mayorya ng Sangguniang Panglunsod nang ibalita namin sa March 5 – 11 edition ang…



0 Comments:

Post a Comment

<< Home