| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

Konseho gustong gawing rubber stamp? “Daanin na agad sa botohan!”--Amante

”’Lagi ng daanin kaagad sa botohan at ng nagkakaintindihan na!.’ Ito humigit kumulang ang naging mainit na pahayag ni Mayor Vic Amante sa nakaraang flag ceremony noong umaga ng Lunes, ika-28 ng Pebrero.

“Ayon pa sa mga nagbigay ng impormasyon sa DERETSO, sinabi pa diumano ni Amante na: ‘Sabi ko nga kay Vice Mayor Larry Vidal ‘eh kailangang brasuhin na niya ang tatlo upang maaprubahan kaagad ang pagbili ng isang fire truck.’ Kung anuman ang pakahulugan ni Amante sa humigit kumulang na tinuran niyang iyon ay siya lamang ang nakakaalam. ‘Ang kapuna-puna,’ ayon pa sa mga dumalong kawani ng lokal na pamahalaan, ‘ay mainit na naman ang ulo ni mayor, at tila gusto niyang maging rubber stamp na lamang ang Sangguniang Panglunsod upang mapabilis ang nais niyang gawin.’

“Matatandaan na buong giting na ipinagbanduhan ni Amante sa unang araw niya nang muling panunungkulan bilang mayor noong Hulyo 2004 na ‘may malayang kaisipan ang mga taga-Sanggunian’ at hindi niya panghihimasukan ang mga iyon. Buong giting ding nagpahayag si Konsehal Egay Adajar at sinabing ‘tatayo’ siyang ‘fiscalizer’ dahil iilan lang sila sa administrasyon, ‘mas marami ang nasa oposisyong konsehal.’ Kapuna-puna din na noong araw na iyon ay hindi dumalo sa nasabing tradisyunal ‘turnover’ sina Konsehal Abi Yu, Jojo Biglete, Pol Colago, Rudy Laroza, atbpng. oposisyong konsehal.

“Walong buwan matapos ang magiting na pahayag na iyon ay tila nga lumalabas na ang tunay na kulay at intensiyon ni Amante sa kanyang muling pagbabalik sa pampublikong tungkulin: Gawin ang kanyang nais sa santong paspasan lalo na ang mga bagay na may kinalalaman sa pagka-kaperahan.

“Sa loob din ng walong buwan ay tila nga naganap ang nais ni Adajar—isa na siya ngayong super fixcalizer sa Konseho. Taga-fix ng lahat ng problema ni Amante. At sa nalolooban din ng walong buwan, nabaligtad na ang mundo sa Konseho: Ang dating mayoryang oposisyon ay siya na ngayong ‘mayoryang pro-administrasyon.’

“Posibleng ang tinutukoy ni Amante na ‘tatlong brasuhin’ ay sina Adajar, Yu at Biglete na baka ang pakahulugan ay ‘dagdagan pa ang pangbabraso sa pag-fix ng problema’ upang maging happy together sa aanihing ganansiya.

“Maaari ding ang itinuturing naman ay ang tatlong Maria—Dermy ng city budget office, Lolit ng city accounting office at Leta ng city treasurer’s office, na baka nga ang pakahulugan ay ‘brasuhin ang tatlo para mai-release kaagad ang pondo’ at ng makuha na ang ganang sa kanya (kung sinuman siya ay ‘yun ang aamuyin pa ng DERETSO).

“Baka naman ang pinababraso ay ang tatlong super alalay na sina Manny, Pol, at Richie na baka nga ang ibig sabihin ay ‘brasuhin silang tatlo na gumising ng maaga’ para mapaaga din ang kanyang pagpirma sa kung anung dapat pipirmahan upang mapaaga ding makukubra ang kung anung dapat kubrahin.

“Baka nga naman ang tatlong super traffic buster na sina P/Sr. Supt. Alberto Garcia, hepe ng PNP San Pablo, retired Col. Bert Cuasay, hepe ng PSAF at assistant nitong si retired Col. Lito Carandang, ‘brasuhin upang mapagbuti ang trapiko sa lunsod ng sa gayo’y ‘di ma-trapik ang truck ng bumbero kapag nag-motorcade na ito sa kalunsuran.

“Kung anu’t anuman ang dahilan sa pagmamadali ni Amante sa pagbili ng nasabing firetruck ay baka nga nakapaloob iyon sa daang libong dahilan o kaya’y sa milyong katwiran na baka matatagpuan ang nasabing baka din nga reconditioned firetruck somewhere along the Maharlika Hi-way sa may Brgy. San Nicolas, na maaari pa ring itanong kay Barangay Chairman Jun Cuello.

“May nagbigay pa ng impormasyon sa DERETSO na ‘test case’ daw ang hinggil sa ‘firetruck’ dahil ang kasunod na doon ay kung papaano isu-super bilis na mabayaran ng city government ang pagbili naman ng diumano pa’y ‘reconditioned’ at ‘dating righthanded drive’ na mga truck & equipment na baka pa rin daw maa-aring matagpuan sa may Brgy. San Nicolas.

“Sa pananaw ng DERETSO, hindi imposibleng mangyari ang super-bilis transactions na iyon dahil unang nagawa na sa pagbili naman ng may 3.05 untitled land na nagkahalaga ng may 25.6 milyong piso sa may Brgy. San Jose. Sa tantiya ng DERETSO’y wala pang 15 days ay ‘done deal’ na ang transaksiyong iyon. Kaya nga’t upang malinawan nina Pablo’y kung tama nga ba o mali ang mga ganoong pagpapasiya ng pamahalaang Amante’y, minarapat na dalhin ang usapin ng 25.6 milyong piso sa Tanggapan ng Ombudsman.”

At lalo pang pinatotohanan ni Amante ang kanyang kasabikang makahawak ng milyun-milyong salapi ng bayan nang ibalita naman namin sa June 25 – July 1 edition ang…



1 Comments:

At 8:08 AM, Anonymous Anonymous said...

hahaha... sana pag nanalo ang kalaban ng sinisiraan mo eh mabigyan ka ng magandang pwesto sa kapitolyo, yung gusto mo dati pa... sana next tym mapagbigyan ka na... alam mo di ka halata... galing mu, ASSTIG nyehahaha

 

Post a Comment

<< Home