| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

Sa usapin ng Php 300M stand-by credit sa DBP: PINILIPIT ANG SANGGUNIAN

”’Ibalik muna sa komitiba at magsagawa ng public hearing!’, hiling nina Konsehal Gelo Adriano, Ivy Arago at Martin Ilagan. ‘Mag-mayor muna kayo!,’ ganting tugon naman nina Konsehal Abi Yu at Gener Amante kaugnay sa usapin ng 300 milyong pisong hinihiling na stand-by credit sa Development Bank of the Philippines (DBP) ng Amante administration sa ginanap na regular session ng Konseho noong Hunyo 21, 2005.”

At sa papilipit at tusong pamamaraan, gamit ang dami ng bilang ng mga sunud-sunurang Konsehal sa kapritso ni Mayor Vic Amante’y ganap na naaprubahan ng Konseho ang isang resolusyon na nagbibigay ng kapangyarihan dito na makipag-transaksyon sa DBP para nga sa hinihiling na 300 milyong pisong stand-by credit.

“Batay sa June 8, 2005 na liham ni Mayor Amante sa Sangguniang Panlungsod, sinabi doon na para diumano ‘maitaas ang economic status ng siyudad’ ay kailangang gawin ang mga sumusunod na proyekto: ‘market-market similar to that of Pasig City; the setting up of a central terminal; establishment of food terminal, (and) finally establish a much long overdue controlled dumpsite’. At posibleng kasama sa gastos ang muling pagbili ng mga lupa na pagtatayuan ng mga nabanggit na proyekto.

“Sa regular session naman ng Hunyo 14 ipinasok ang nasabing kahilingan ni Mayor Amante na agad namang ibinigay sa pinagsanib na komitiba ng konseho ng law, justice & human rights, at ng ways & means upang pag-aralan.

“At sa regular session nga ng Konseho noong Hunyo 21, inasahan nina Arago, Adriano at Ilagan na nagkaroon ng kaukulang public hearing hinggil nga sa nasabing kahilingan ni Amante. Walang naganap na anumang public hearing na sa paniniwala ng pinagsanib na komitiba ay sapat na ang kanilang ginawang diumano’y committee hearing noong June 17.

“Dumalo diumano sa nasabing hearing sina ‘Art Fernandez, Administrative Officer V, DepEd San Pablo; Jesus de Leon, OIC-City Engineer; Ms Melinda Bondad, Asst. CPDO; Ms Yolanda Catipon, Asst. City Assesor; and Paul Cuadra, representative of the City Mayor.’

“’Nais ko pong malaman kung bakit walang lagda sina Konsehal Rudy Laroza at Karen Agapay sa committee report,’ humigit kumulang tanong ni Arago sa nakaraang regular sesyon.

“’Nalimutan ko lamang po na pumirma,’ humigit kumulang tugon ni Laroza.

“’Naka-leave si Agapay at binigyan na lamang ako ng authority to conduct committee hearing bilang vice chairman niya,’ sambot naman ni Konsehal Jojo Biglete.

“’Hinihiling ko po na bigyan ng prayoridad ang hinggil sa solid waste management sapagkat nahaharap na po tayo sa malaking suliranin natin sa basura… magkano po ba ang estimated cost ng bawat proyekto… at kung sakaling hindi maibigay ng DBP ang kabuuang hinihiling na 300 milyong pisong stand-by credit, alin po ba ang ating prayoridad sa apat na proyektong nabanggit?’ humigit kumulang mga tanong-paglilinaw pa rin ni Arago.

“At imbes nga na tugunin ng maayos ni Yu ang katanungang iyon ay nagmukha pa itong mangmang nang sabihing: ‘Alin ba ang aking sasagutin? Ang daming tanong hindi ko maintindihan.’ At sa halip nga ay buong kayabangang sinabing ‘mag-mayor muna kayo!’ na sinigundahan pa ni Konsehal Amante.

“Nagdunungdunungan naman ang isang fixcalizer adajas sa pagsasabing dapat munang ipasa ang isang resolusyon na nagbibigay nga ng pahintulot sa kagustuhan ni Mayor Amante bago ang pagdedebate sa nasabing usapin.

“Matatandaan na sa usapin ng 25.6 milyong pisong ipinambili ng untitled 3.05 ha. of land sa Brgy. San Jose na pagtatayuan naman ng oval at sports complex ay minsan ng ‘na-traydor’ sina Pablo’y ng mga nakahabla ngayon sa Ombudsman na mga Konsehal. Sinabi ni Agapay noong regular session ng December 7, 2004 na ibababa sa komitiba ang usaping iyon, subalit pagsapit ng regular session ng December 14, 2004 ay ganap ng naaprubahan ang Deed of Absolute Sale, sa kabila ng mariing pagtutol nina Arago, Adriano at Ilagan.

“Naniniwala ang DERETSO na ganito din ang muling mangyayari sa usapin ng 300 milyong pisong hinihiling sa DBP: PAGTATRAYDOR NG KALAKHANG MIYEMBRO NG KONSEHO KINA PABLO’Y. Bakit?

“Ang nakakatiyak muling pipilipitin sa susunod na regular session (posibleng sa June 28) ng mga kawangis ni fixcalizer adajas, hambog na abi yu, at nagbabarakong gener amante ang mabigyan naman ng kapangyarihan si Mayor Amante na maki-pag-transaksyon sa mga contractor ng sinasabng apat na proyekto.

“Hindi pa rin mawala ang duda ng DERETSO sa tunay na dahilan ni Agapay kung bakit nga ba ‘wala itong pirma sa committee report’ o bakit ‘naka-official leave’ sa isa pa namang napakahalagang usapin. Muli nga bang “natakot” si Agapay sa isang fixcalizer? Nakonsiyensya na rin kaya ito dahil wala naman talagang naganap na committee hearing noong June 17, maliban sa pagdinig na ginawa hinggil naman sa pagbili ng siyudad ng isang parsela ng lupa na pag-aari ng mag-asawang Severino Catipon sa may San Pablo City National High School Main?

“Hindi maaalis sa isipan nina Pablo’y na patuloy ngang nagiging labangan ang dapat sana’y disenteng Bulwagan ng Konseho. Kung talagang may pagpapahalaga sa tungkulin si Agapay bakit hindi ito nakagawa ng isang written explanation & excuse sa hindi pagdalo sa committee hearing o sa mismong regular session?

“Simple lamang ang pakiramdam ng DERETSO sa nakaraang regular sesyon at posibleng sa mga susunod pang sesyon: Basta’t tungkol sa pagkakaperahan na posibleng pagbukalan ng advance 5% sa kikitaing komisyon, aprub without thinking ang nais ng kalakhang miyembro ng Sanggunian sa pagpapasa ng anumang resolusyon o ordinansa.

“Kahit na saang tingnang anggulo, 300 milyong piso pa rin ang balak utangin na mapapadagdag naman sa halos 200 milyong pisong pagkakautang pa ng lungsod sa Landbank.

“Huwag paakit sa mga emosyunal at hungkag na pananalitang: ‘having always in mind the upliftment of the city’s economic status... in consultation with various sectors of society, has come up with projects that would not only generate revenue for our city government with the end vision of improving basic services to our beloved constituents, but also develop our kababayans into self-sustaining individiuals.’

“Sa isang banda’y, sino naman ang ‘various sectors of society’ na iyon na nakunsulta daw? Baka naman society of 15-30 lamang iyon na regular tambay sa ilalim ng Balite?”

Sabi nga’y follow the leader and use your muscle sapagkat…



0 Comments:

Post a Comment

<< Home