| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, January 24, 2006

Sa pagkapanalo ni Pacman…

Sumandaling tumigil ang “ikot ng mundo” ng mg Pinoy nang tutukan nila noong January 22 ang laban ni Manny “Pacman” Pacquiao at Erick “El Terible” Morales na ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 at ilang CATV stations.

Ika nga’y Isang Laban, Isang Bansa.

Kalabisan ng ungkatin dito ang blow by blow account at kung papaano pinagbugbog ni Pacman si El Terible.

Gusto lamang pahapyawan ng DERETSO ang magkasalungat na pahayag ng dalawang magiting na boksingero sa isang press conference na isinagawa sa Las Vegas noong disperas ng laban nila.

Pacman: “Laban ito ng bayan ko!”

El Terible: “Personal na laban ko ito, pangalawa lamang ang bayan ko!”

Bago pa lamang magsimula ang labanan ay iba’t ibang text messages na ang kumalat na natanggap ng DERETSO. At talagang kultura na nga yata sa mga Pinoy na sa gitna ng mga problemang kinakaharap ng bansa’y andun ang tinuran ni Freddie Aguilar sa kanyang kantang… Tawanan mo ang iyong problema.

Ilan sa mga natanggap na text messages ng DERETSO ay:

“Kinukumbinsi now ni FG Mike Arroyo si Pacman na ipatalo ang laban kc un daw ang deal nina GMA at YOU. May kudeta pag nanalo si Pacman. Alang kudeta pag natalo ito. Malaki daw pala ang pusta ng mga taga-YOU.”

“Tampo si GMA kay Pacman kasi BAYAN MUNA pala ito. Kay Morales na ‘lang daw siya kc preho lang silang MAKASARILI.”

“VERY CONFIDENTIAL. PLS DON’T TELL NA AKO ANG NAG-4RWARD NITO: Press relis fr Magdalo escapees: We d young officers denounce the inhuman treatment of GMA regime. We r onli fighting 4 our rights! GUSTO DIN NAMAN NAMING MANOOD NG LABANANG PACMAN-EL TERIBLE. BALIK DIN AGAD KAMI SA LUNES. TEK KER!”

“B4 d fight na-wiretap ng ISAF ang usapang ito: Hello, Garci… Yes Mam.. Na-convince mo na ba ang mga judges na bawasan ng puntos si Pacman… Am trying my best Mam, pro di ako makapasok sa linya… At baken?... E kontrolado po ng mga Lopezes ang signal… Naku, patay tayo dyan!”

“Panalo si Pacquiao TKO c Morales sa 10th. Txt ng frend ko fr Chicago. Plas pass pra di na mabago ang result. Nagpipilit kc si Garci na matawagan ang reperi at mga judges.”

“Nagfile na ng divorce si GMA kc ‘di daw nakumbinsi ni FG si Pacman. Divorce daw panibagong deal ni GMA sa mga taga-YOU!”



0 Comments:

Post a Comment

<< Home