Unang putok na balita sa 2005
Amante, Vidal, 8 Konsehal at 4 opisyal, sinampahan ng kaso sa Ombudsman
Bakit nga hindi’y noong January 5, 2005 sumalubong sa mga taga-San Pablo ang malaking balita nang isampa nga namin ni kasamang Iring Maranan sa Office of the Ombudsman ang kasong graft and corruption laban sa mga binanggit sa itaas na mga local public officials.
Bunsod ang hablang iyon sa puno ng anomalyang pagkakabili ng lungsod sa isang 3.05 ektaryang lupa na walang titulo na nagkakahalaga naman ng PhP840.00 per square meter o kabuuang Php25,658,640.00.
Pagtatayuan ng oval at sports complex ang nasabing lupa na adjacent lamang sa Dalubhasaan ng Lungsod ng
Mahigit ng isang taong natutulog ang kasong iyon sa Office of the Ombudsman sapagkat may kakayanan si Biteng Amante na patulugin ang anumang kasong kinakaharap niya sa alinmang korte: Pangtapal sa piskalya, huwes at maging sa mga justices.
Sinabi namin sa aming reklamo sa Ombudsman na “disadvantageous to the government” ang pagbiling iyon ng nasabing lupain sapagkat bukod sa wala nga iyong titulo’y batay naman sa kasalukuyang zonal valuation ng Bureau of Internal Revenue na nakabase sa lungsod na ito’y PhP300.00 lamang ang halaga noon.
At kung gagawin lamang ng mga taga-Ombudsman ang kanilang mandato na “kahit anonymous letter” ay iimbestigahan nila ang ipinarating na reklamo, tiyak mapapatunayan nilang walang partikular na tao na nagngangalang Belicita Ng, ang sinasabing siyang may-ari ng 3.05 ha. of untitled land. Sa madaling salita’y peke ang “may-ari” ng nasabing lupa.
Kaya nga’t mula sa isinampa naming unang dahilan na “disadvantageous to the government” ay tiyak lalalim pa ang usaping ito na maaring ang matukoy pa palang may-ari ng nasabing lupain ay posibleng si Amante rin o di kaya nama’y bahagi pa ang lupaing iyon sa mismong kabuuang sukat ng DLSP.
Sa makatuwid pa rin, bukod sa iginisa na sa sariling mantika sina Pablo’y ay GARAPALAN pa rin itong ninakawan ng pagkakataong makatanggap ng tunay na basic services sa lokal na pamahalaan.
posted by Deretso Balita @ 8:11 PM 0 comments
0 Comments:
Post a Comment
<< Home