| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, February 07, 2006

Mga Muslim galit na galit sa Danish newspaper

(Hango sa MediaCorp News ni Iring Maranan, February 2 & 3, 2006: Jakarta, Indonesia; Copenhagen, Denmark; Paris, France) – Galit na galit ang mga Muslim sa Jyllands-Posten, isang Danish newspaper, dahilan sa pagkakalathala doon noong September 30, 2005 ng may 12 caricatures ni Prophet Mohammad.

Kabilang sa mga sketches ni Prophet Mohammad na napalathala nga sa Danish newspaper ay ang suot na turban nito na korteng bomba at “as a knife-wielding nomad flanked by two women shrouded in black.”

Itinuturing ng mga Muslim sa buong mundo na sagrado si Prophet Mohammad bilang bahagi ng kanilang relihiyon kaya’t sa tingin nila’y “nabastos at nalait” ito sa paglalathala nga ng nasabing mga caricatures.

Mula Indonesia, na isa sa may pinakamalaking bilang ng Muslim, hanggang Arab countries ay hindi napigilan ang pagsasapubliko ng galit ng mga Muslim, hindi lamang sa mga taga-Denmak, ngunit pati na rin sa ilang bansa sa Europe.

“Freedom of expressions,” ito ang siyang naging dahilan ng Danish newspaper.
Kaya naman, bilang suporta sa pahayag na iyon, nailathala din ang ilang kontrobesyal na caricature sa ilang pahayagan sa France, Italy, Germany, Norway, Netherlands, Portugal, Spain at Switzerland.

Sa Indonesia pa rin, sinabihan noong Huwebes (February 2) ni Das’ad Latief, coordinator ng mga nagpoprotesta doon, si Danish Red Cross secretary-general Jorgen Paulsen ng: “Sabihin mo sa inyong bansa na kinokondena namin ang pambabastos na iyon.” Kasalukuyang nasa Indonesia si Paulsen upang makipagugnayan kung papaano isasagawa ang tulong sa mga nasalanta ng baha doon.

Nalungkot si Paulsen sa ginawang iyon ng Danish newspaper at sinabi niya sa mga nagpoprotesta na isang “stupid action” ang ginawang paglalathalang iyon.
Ganoon man, sinabi niya na hindi mapipigilan ng kanilang pamahalaan ang press sa paglalathala ng mga material na makakainsulto sa tao o grupo ng tao sapagkat lubhang malaya ang press doon.

Nauna ng naglathala ng “nakaka-insultong religious printed materials” ang France Soir nang ilathala nito ang poster ng 2002 film na “Amen” na nagpapakita ng “hybrid of a Christian cross and a Swastika, and parodies of Christ on the cross.”

Muslim fundamentalist ang siyang matindi ang galit sa nasabing pagkakalathala na nagbantang magiging mitsa iyon ng kaguluhan saan mang panig ng mundo kapag patuloy na binastos ng sinuman si Prophet Mohammad at ang kanilang relihiyon.

“Alam namin na matindi na ang panawagan ng ilang Muslim group, partikular sa pamamagitan ng internet, para mag-protesta. Nakahanda naman kami sa anumang kahihinatnan nito,” pahayag ni Copanhagen deputy police director Mogens Kjaergaard Moeller sa Agence-France Press (AFP) noong February 1.

Nagsimula na kasing sunugin ng ilang mga nagpoprotesta sa ibang Muslim countires ang Danish flag at ang pag-boycott sa mga produktong gawa sa nasabing bansa.

Sa Doha, nanawagan kahapon (February 3) sa mga Muslim sa buong mundo si Sheikh Yussef al-Qaradawi, pinuno ng International Association of Muslim Scholars, na i-observe ang "an international day of anger for God and his prophet."

Kahit ang moderate Muslim na kinikilala ang “principle of an independent media” ay tinuligsa din ang nasabing pagkakalathala.

"One has the right to express oneself on Islam through words, but by using caricatures, one is not criticising but rather provoking and injuring," ayon kay David Munir, sheikh ng main mosque sa Lisbon.

Maging si UN secretary-general Kofi Annan ay naalarma na rin kaya’t nanawagan ito noong Huwebes na maging mahinahon ang lahat.

“The secretary general believes that the freedom of the press should always be exercised in a way that fully respects the religious beliefs and tenets of all religions. He also believes in the importance of overcoming misunderstandings and animosities between people of different beliefs and cultural traditions through peaceful dialogue and mutual respect," pahayag ni spokesman Stephane Dujarric.

Maging si EU trade commissioner Peter Mandelson ay hindi rin natuwa sa nasabing pagkakalathala nang sabihin niyang “sinugbahan ng gasolina ang naglalagablab na” at “provocative.”

"I regard them as pretty crude and pretty juvenile, and I think, in cases of such cartoons, they are almost bound to cause offence," pahayag pa ni Mandelson sa BBC radio.
Sa pangyayaring ito, saan nga ba nagsisimula at nagtatapos ang “freedom of expressions”?